Chapter 13: Meet Dustin Pereira

1K 27 3
                                    

A/N:

This chapter is dedicated to Xuthea, thanks sa pag-fan dear and thanks for everything. Thank you rin sa pag-dedicate ng isang chapter sa story mo, keep on writing sure ako madaming mai-inspire sa story mo.

Enough with the speech,hahaha! Eto na ung UD!! ENJOY!!

READ.VOTE.COMMENT.BECOME A FAN.LIKE.RECOMMEND

Chapter 13: Meet Dustin Pereira


Ana's POV


Si Dustin? Pumalakpak agad ang tainga ko pagkadinig ko sa pangalan ni Dustin. Haaay, Dustin my loves. Pangalan pa lang niya kinikilig na talaga ako. Ang gwapo kasi niya, matalino, mabait, varsity, talented, wala na kong hahanapin pa. Kaso, hindi naman niya ko napapansin. Sa dami ba naman ng magaganda dito sa campus.


Okay lang naman, sabi nga nila - libre lang mangarap. Kaya papangarapin na lang kita Dustin hangga't gusto ko. ehehe


"Hoy Ana, bakit ganyan ang ngiti mo?"


"Ha?" Nasira yung pagde-daydream ko. Maghahawak-kamay na kami ni Dustin, epal kasi tong si Lexter.


"In-love ka na ba sakin?" *wink*


Nahampas ko ng wala sa oras tong lalaki na to. Ang kapal ng mukha talaga. 


"Aray! Ana naman, ang sakit mong magmahal."

Pinaghahampas ko pa lalo para magising sa katotohanan. "Aray! Bakit ka ba namamalo?"


"Para ka kasing tanga diyan, kung anu-ano iniisip mo. Feelingero ka talaga."


"Ako pa ngayon ang kung anu-ano ang iniisip. Ikaw diyan ang kanina pa nakatulala. Ano ba iniisip mo? Ako? hahaha"


"Wala." Pabulyaw kong sagot sa kanya.


"Wala daw, ano nga?"


"Si Dustin nga kasi, paulit- ulit?"


"Si Dustin? Bakit, crush mo ba si Dustin?"


Sinabi ko ba na si Dustin yung iniisip ko? Patay na, ano ba yan! Sa lahat ng makakaalam, si Lexter pa.


"May sinabi ba ko? Wala naman. Ang bingi mo."


"Eeeeeh Ana naman, narinig ko kanina sabi mo si Dustin yung iniisip mo."


"Di nga? Parang wala naman akong sinabi."


Kailangan nating maging patay malisya. Lalo na kung ganito kakulit ang kausap mo. Para kaming tangang dalawa na nagtatalo dito sa hallway.


"Hooooy!"


Walangya, iba pala magtantrums tong si Lexter. Naghiniga pa sa hallway at nagpapadyak. Mukhang batang inagawan ng candy -____-"


"Wala na kong pag-asa sayo. Si Dustin yung mahal mo. Kawawa naman ako!"


"Hoy, ano bang pinagsasabi mo diyan? Gawa-gawa ng kwento. Sinabi ko bang mahal ko si Dustin?"


"Talaga? Hindi mo siya mahal." Ang bilis magbago ng mood ng isang to. Bipolar ata to?


"Crush nga lang diba? Tanga mo."


"Talaga? Ahahahahaha. Yes! May pag-asa pa ko sayo."


Parang tanga.


"Hey Lex"


Si Dustin? Diba, kahit di ko lingunin alam kong siya yun. Siya lang kasi kilala kong may ganung kagwapo na boses. Automatic na tumataas yung gilid ng labi ko.


"Kamusta?"


"Umalis ka dito, karibal kita."


"Ha?"


Bipolar nga ata talaga tong si Lexter. Kanina nakangiti, ngayon ang sama ng tingin kay Dustin.


"Ah-h, wag mo siyang pansinin. Namatay kasi yung aso niya kaya medyo masama ang timpla niyan."


"Ganun ba?"


"Oo" Ang laki ng ngiti ko niyan. hehehe


"Kapag si Dustin, abot-tainga ang ngiti." May bubuyog na bubulong-bulong sa tabi ko. "Dinig ko yun."


"Sige Ana, pare alis na ko. Condolence tol."


"Condolence mo mukha---"


Tinakpan ko na ang bibig, bastos mga lumalabas sa bibig. Ang bait-bait ni Dustin, sinusungitan niya. Ang bilis tuloy umalis ni Dustin, ang gwapo.


"Nakakainis to."


Sabay walkout sakin. Problema non?


A/N:

Next time ulit ang UD...hahahaha!!!

DON'T FORGET TO VOTE.COMMENT.BECOME A FAN

Heartswings <3

Book 1: 10 Ways to Find your TRUE LOVEWhere stories live. Discover now