Chapter 23: Happy New Year with him

920 19 4
                                    

Chapter 23: Happy New Year with him

"Umuwi ka na nga!"

"Bakit ba?"

"Araw-araw ka na lang nandito!"

"Ayaw mo noon may gwapo lagi sa bahay niyo." 

Ang yabang talaga. Parang habang tumatagal, kumakapal lalo mukha ng lalaking to.

Magkalapit kami ngayon sa sofa sa sala habang nanonood kami ng Twilight, actually ilang beses ko na tong napanood, kaso tong unggoy na kalapit ko hindi pa daw napapanood to. Ano ba naman tong lalaking to, hindi updated. Mayaman naman, maraming pambili ng ticket sa sinehan.

Tinutulak ko siya sa sofa, pero malakas ang kapit pinaglihi ata to sa tuko. Ayaw talagang malaglag nitong tukong to. 

"Lex"

Lumingon ako sa kanya, nakatitig lang siya sakin habang lumulunok, inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at tiningnan yung lips niya, infairness mapula...masarap halikan. Hoy Ana rated SPG na yang iniisip mo. 

"Woooh, nahulog ka din."

"Ah, ang daya mo Ana. Niloko mo ko, alam mo namang ikaw ang weakness ko."

Hmm...natahimik ako dun, Lex wag ka ngang bigla-biglang nabanat.

"Hindi ka ba uuwi?"

"Hindi, dito ko magnu-new year."

"Pag nagtampo mama mo niyan."

"Hindi yun, nandun naman si Selene. Ilang taon naman akong kasama sila sa New Year, gasino na ang isang New Year na wala ako di ba?"

Lagi na lang substitute niya si Selene, ampunin na kaya nila at itakwil tong isa.

"At saka, pupunta naman tayo don."

"Huh?"

"Dadalhin kita don, para mas masaya tayo nina lola."

"Ayoko nga, isipin pa nila girlfriend mo ko."

"Bakit don din naman tayo pupunta, girlfriend din naman ang pakilala ko sayo sa kanila."

Sinabunutan ko nga. Kay Lexter talaga lumalabas pagiging mapanakit ko physically, kung anu-ano kasi lagi ang sinasabi.

"Aray, Ana ha. Pag naging mag-asawa tayo magiging battered husband ako."

"Feeling mo."

"Feeling ko magiging masaya tayo."

Iba rin talaga ang daloy ng isip nito.

"Alis muna ako."

"Buti naisip mo yan, kanina ko pa hinihintay na sabihin mo yan. Alis na!"

"Eto naman kung makataboy. Lalayas na nga para mamiss mo ko, pero babalik ako mamaya. Para sa'yo."

Tinulak ko siya palabas ng pinto. Naglakad na siya palabas ng gate, pero lagi talagang may pahabol tong unggoy na to. Lumingon siya at ngumiti.

"ANA, I LOVE YOU! IKAW LANG WALA NG IBA!"

Saka siya nagtatakbo paalis. SIRAULO.

Ang lakas talaga ng tama ng lalaking yun. Hahaha, di ko alam pero natatawa ako mag-isa.

Hay naku Lexter, what am I gonna do with you?

"Ana"

Pagtingin ko sa gate, akala ko bumalik si Lex pero iba ang nakita ko.

Cris? Dustin?

"Pwede ba kaming pumasok?"

Tumango lang ako.

Book 1: 10 Ways to Find your TRUE LOVEWhere stories live. Discover now