Chapter 20: By your side

898 21 8
                                    

A/N: Nakapag-update din, medyo napa-aga nga baka kasi di na naman ako makapag-update this week. busy busyhan ang peg.hahaha!! 

Enjoy po sa pagbabasa kahit emotera ang peg ng chapter na to. di talaga ko mahilig sa drama. Sorey naman!!

Ang chapter na to ay dedicated sayo, mag-fan na kasi kayo para ma-idedicate ko yung chapter sa inyo.motmots. thanks sa pag-fan.

READ.VOTE.COMMENT.BECOME A FAN


Chapter 20: By Your Side

"Ahmm...Cris wag mo na kong ihatid, may pupuntahan pa kasi ako."

"Sigurado ka?"

Tumango lang ako sa kanya, ano ba Cris umalis ka na lang. Alam ko anumang oras tutulo na ang luha ko at ayokong makita yun ng pinsan ko.

"Okay, sige. Ingat ka ha."

Tumango ulit ako, buti na lang umalis na siya. Hinintay kong makasakay siya ng taxi. Tumakbo ako papunta sa lugar na alam kong mailalabas ko lahat, na alam ko magiging komportable rin ako. Sa lugar na papagaanin ang loob ko.

Bumukas ang pinto. Niyakap ko siya agad at umiyak ako sa kanya. Alam ko nagulat siya sa ginawa ko, pero wala na akong pakialam, kailangan ko siya ngayon, kailangan ko si Lexter ngayon. Niyakap ko pa siya ng mahigpit, umiyak ako ng umiyak sa dibdib niya. Maya-maya naramdaman ko na niyakap na rin niya ako at hinimas-himas ang likod ko. Nang mahimasmasan ako dinala niya ko sa garden nila at umupo kami sa bench doon.

"Ana, anong problema?"

"Kasi..."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko, napaiyak na naman ako. Hinila niya yung kamay ko palapit sa kanya at niyakap niya ulit ako.

"Iiyak mo lang lahat, nandito lang ako."

Tumango ako habang nakasubsob sa dibdib niya.

"Ang sakit -- Lex, ang sakit, sakit. Alam ko namang hindi nila sinasadya pero ang sakit pa rin. Bakit kasi pinsan ko pa? Bakit hindi na lang ako? Matagal ko na siyang gusto. Hinihintay ko lang naman na lapitan niya ko, pero hindi ako eh...si Cris ang nilapitan niya, si Cris ang minahal niya. Dahil ba panget ako? Baduy? Manang manamit?"

Tumingin ako sa kanya, nakatingin din siya sakin.

"No Ana, you're beautiful."

"Hmm...kung maganda ko bakit si Cris ang pinili niya?"

"I don't know."

"Bat hindi mo alam Lex? Lalaki ka rin di ba?"

"I don't know."

****

Lex's POV

Nagising ako sa tawag pero nung sasagutin ko na bigla namang tumigil pagtingin ko sa cellphone ko si Ana yung tumawag, tingnan mo tong babaeng to na-miss agad ako. Sabi na nga ba, may gusto na sakin si Ana.Ang galing ko talaga, napa-ibig ko siya nung pumunta kami sa probinsya namin. Ang saya-saya ko.hahahaha

Alam ko na pupuntahan ko siya at magde-date kami. Naligo ako at nagbihis, kung pwede lang wag na magdamit para maiyabang ko naman yung maganda kong katawan baka nga lan mabato ako ng basuraha. Nagpaalam ako kay Selene, tama kadarating lang ni Selene ngayon, gusto daw niyang magbakasyon dito samin, para na rin makita daw niya lagi si Ana. Hindi pa sumabay samin ng alis kanina, nagpahatid pa ng bukod kina Papa. Palabas na ko ng bahay ng may mag-door bell. Sino kaya yun? Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin si Ana, nagulat ako ng bigla niya kong yakapin at umiiyak siya. Alam ko na, kahit wala siyang sabihin, kahit hindi ko alam kung anong nangyari. Alam ko na ang dahilan ng mga luha niya.

Book 1: 10 Ways to Find your TRUE LOVEWhere stories live. Discover now