Chapter 19: Into Pieces

924 20 7
                                    

Chapter 19: Into pieces

Cris' POV

"Sigurado ka ba?"

"Oo sigurado na ko."

Tama, sigurado na ko. Sasabihin ko na kay Ana na kami na ni Dustin. Ayoko ng maglihim pa sa pinsan ko. Baka mas lalo siyang magalit sakin kung sa iba pa niya malalaman.

"Magtatampo sayo si Ana kapag sinabi mo."

"Alam ko. Mas okay na sakin niya malaman di ba?"

"Masasaktan siya."

"Alam ko naman ang mga consequences when she finds out the truth. Pero kailangan na nga niyang malaman. Ang hirap naman kasi pag lagi tayong nagtatago sa kanya. Ang hirap din pag iniiwasan ko siya. Bakit kasi ikaw pa nagustuhan niya?"

"Nagtataka ka pa ba? Siyempre gwapo ako."

Hindi ko alam kung nakakatulong pa ba yung mga pagbibiro niya ng ganyan, honestly, kinakabahan ako. Pinsan ko yung masasaktan sa gagawin ko, but Ana deserves it. SHe deserves to know the truth.

"Ang yabang mo talaga." Sa kabila ng kaba ko at matinding pagtambol ng puso ko, magkaka-heart attack pa nga ata ako, nakukuha ko pang ngumiti sa mga linyahan ng lalaking to.

"Hindi naman nagsasabi lang ng totoo. May kasunod pa yun."

"Ano?"

"Gwapo kasi ako at ang gwapong kagaya ko ay bagay sa magandang tulad mo."

"Ibig mong sabihin panget pinsan ko?"

"Hindi yun ibig kong sabihin. Maganda si Ana, mas maganda ka nga lang."

"Hmm...bolero."

"Hindi ako bolero, mahal lang kita."

Ang CHEEEESSSSYYYY!!!!

Iba talaga magpakilig tong si Dustin, sana hindi ako isumpa ni pinsan pag nalaman niya ang tungkol saming dalawa. Sana hindi niya ko kalbuhin at sunugin ng buhay. Gusto ko pang maikasal sa lalaking katabi ko na kasalukuyang ginugupit ang buhok ko.

"Hoy anung ginagawa mo?"

"Tinatanggalan ka ng split ends."

"Ang bading mo!"

"Ayoko lang may split ends ang girlfriend ko." 

"Sigurado ka ba na sasabihin mo na?"

"Oo naman"

"Okay. Don't worry hindi kita iiwan, I'll support you."

Tiningnan ko siya.

"Thank you"

Sabi ko sa kanya. Sincere yun.

"I love you too."

Napangiti ako dun, abnormal talaga tong boyfriend ko, sabi ko thank you pero ang sagot i love you too...

*****

Ana's POV

Nakauwi rin sa wakas. Ang saya-saya ng sembreak ko, thank you kay Lexter at kay Selene. Namimiss ko na agad si Selene, ang cute na bata. Inilapag ko yung mga gamit ko sa kwarto ko at humiga ako sa sa kama. Ano na kayang ginagawa ni Lex ngayon? Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number niya. Naka-ilang ring na, hindi pa rin niya sinasagot. Ano kayang ginagawa non?

"Bakit ayaw niya sagutin? Napaka talaga."

"ANA" Malakas na kinalampag ni lola ang kwarto ko.

"PO?"

Book 1: 10 Ways to Find your TRUE LOVEWhere stories live. Discover now