Chapter 28: #8 He'll ask you on a date

904 15 7
                                    

Chapter 28: #8 He'll ask you on a date

Ana's POV

"Aray, Ana dahan-dahan naman."

"Kung hindi ka naman kasi tanga, makikipag-away ka tapos aaray-aray ka ngayon." Lalo ko pang diniinan yong paglalagay ko ng gamot sa sugat niya. Hindi na siya sumigaw o umimik man lang, tumahimik na lang siya pero kita ko sa mukha niya, nasasaktan siya kada paglapat ng bulak sa sugat niya, ayaw lang ipahalata.

Hanggang ngayon kasi hindi pa rin sakin sinasabi kung bakit siya napaaway kagabi.Nandito pa rin siya sa bahay namin, hindi ko siya pinayagang umuwi baka kasi makita ng mommy niya yong sugat niya magalit pa sakin.

"Masakit pa ba?"

"Hindi na, ang galing mo kasing gumamot. Nawala agad yung sakit."

Pinindot ko nga, hindi na pala masakit.

"Aray! Ana naman, napakasadista mo."

"Sabi mo hindi na masakit?"

"Hindi na nga, nagulat lang naman ako."

"Ikaw kasi, mukha ka tuloy naglipstick ng lagpas."

"Kung hindi ka naman kasi binabastos ng mga lasing sa kabilang kanto hindi naman ako magkakasugat."

"May sinasabi ka?" siyempre pa-bingi effect kunwari wala akong narinig.

"Wala."

Nakipag-away siya dahil lang sakin? Kasalanan ko pala kaya siya nagkasugat, masyado kasing naparami ang inom ko kagabi. Kung hindi ako nalasing, wala sana siyang sugat ngayon. Nakonsensya naman bigla ako. Tiningnan ko siya, nakaharap siya ngayon sa salamin at tinitingnan ang sugat niya.

"Alam ko na."

"Ha?"

Tumingin siya sakin.

"Diyan ka lang magbibihis lang ako."

Iniwan ko siya sa sala para umakyat at magbihis. Para makabawi naman ako sa kanya kaya aayain ko siyang lumabas. Gagala lang naman, pero hindi date ha? Baka yon agad ang isipin ni Lexter.

Pagbaba ko, hinila ko na siya palabas ng bahay namin, hindi na ko nagpaalam kay lola busy na naman kasing maglaro ng temple run. Ni-lock ko na lang yung pinto para safe siya kahit mag-isa sa bahay.

"San tayo pupunta?"

"Kay kamatayan."

"Ha?"

"Joke lang naman. Gagala tayo."

"Date?"

"Nope, I said gagala tayo. G-A-G-A-L-A, gagala hindi magde-date. Ang bingi mo po"

"Ganon na rin yun. Tara date na tayo."

Hinawakan niya ang kamay ko at masayang lumakad palabas ng kanto namin. Hindi talaga pumayag na gala nga lang to, gusto talaga niya magde-date kami.

"Anong gagawin natin dito?"

Dinala niya ko sa mini carnaval. At ang daming tao.

"Malamang mag-eenjoy."

Alam kong para mag-enjoy, akala ko sa mall ang punta namin. Sa WOF or sa quantum lang. Dito pala niya gusto, ang daming nagkalat na lovers.

"Tara doon sa horror house."

Hinila na niya ko, wala naman akong nagawa. Mas malakas kaya siya sakin, muntik na nga akong matalisod dahil sa ka-atatan niyang makapasok kami sa horror house.

Pagpasok namin doon, oo obvious naman na madilim. Nakahawak lang siya sa kamay ko.

"Wag kang bibitaw ha? Don't worry nandito lang ako."

Book 1: 10 Ways to Find your TRUE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon