Chapter 27: Hugs and Kisses

853 14 2
                                    

A/N: Nag-update na ko, ang hirap talagang magdemand masyado kasing mahal ang bigas! -___- anong konek?? Anyways..eto na nga siya, 3 to 4 chapters to go at babye na sa 10 ways..pero may bago po akong story na ipopost..on-going din siya. Support niyo po ha? katulad ng pagsuporta niyo sa story na ito na puro katangahan ang alam.Hahahaha!!

Eto na po talaga..

READ.VOTE.COMMENT.BECOME A FAN.RECOMMEND

Heartswings <3


Chapter 27: Hugs and Kisses

Lexter's POV

Tulog na tulog si Ana sa likuran ko. Saan ko ba siya iuuwi? Hindi pwede sa amin, baka kung ano nag isipin nina Mama. Green minded pa man din mga tao sa bahay, isama mo pa si Selene.

Malakas din palang uminom tong babae na ito, pero hindi naman ako na-offend. Natuwa pa nga ako kasi game siya sa mga ganitong bagay. Tapos may na-confirm pa ako sa kanya. 

Ramdam ko na ang bigat niya sa likod ko, ang payat naman niya pero mabigat siya. 

"Pre, mukhang nahihirapan ka na diyan. Kami na lang magdadala sa babaeng yan."

Kapag minamalas ka nga naman, may nakasalubong pa nga kami na mga lasing kung kailan malapit na kami sa kanila.

"Ang damot mo pare. Matuto ka namang mag-share."

Hindi ko sila pinansin, tuloy pa rin ako sa paglalakad. Bakit ko ba hindi dinala yung kotse ko, sabagay hindi ko kaya mabigat masyado yon. Kay Ana nga nabibigatan na ko sa kotse ko pa kaya? 

"Hoy pare"

Hinawakan ako nung isa sa balikat para pigilan sa paglalakad. Putcha, naghahanap ata to ng away. Ibinaba ko muna si Ana sa may gilid ng poste at hinarap ang dalawang lasing na to. Naghahanap talaga kayo ng sakit ng katawan, imbes na sakit ng ulo lang kinabukasan.

Pinatulog ko muna yung dalawang lasing saka ko binalikan si Ana at iniuwi sa kanila.

"Tao po, lola."

"Bukas yan!"

Gabing gabi na gising pa si lola. Pagpasok ko, busy siya sa tablet, mukhang may nilalaro. Hindi niya ako napansin. Lumapit ako sa kanya. Temple run?

"Lola kanino galing yang tablet niyo?"

"Dun sa suitor ko. Patay, naabutan ako."

Saka lang siya tumingin sakin.

"Anong nangyari sa apo ko?"

"Nalasing po lola."

"Ganoon ba? Iakyat mo na yan sa kwarto niya. At ikaw dito ka na din matulog."

Pumalakpak ang tainga ko, tanggap na tanggap talaga ako ni lola at pumayag pa siya na makatabi ko si Ana pagtulog. Hehehe

Busy na ulit si Lola sa nilalaro niya. Dinala ko na si Ana sa kwarto. Iniupo ko muna sa sofa doon. Naalimpungatan ata siya. Magkalapit lang kasi kami sa bangko.

"Lesh, bat ang wafo mo? Ha?"

Nagising siya bigla at tumingin sakin, unti-unting lumalapit yung mukha niya sakin hanggang sa...

We kissed...hinalikan ako ni Ana. Pero saglit lang kasi nakatulog agad siya. 

BITIN!!

*****

Ana's POV

Ang sakit ng ulo ko, napadami yata masyado ang nainom ko kagabi. Naku, nahawa na ata talaga ako kay Cris na lasinggera.

Pagmulat ko, magkaharap ang mukha namin ni Lexter tapos ang lapit lapit pa. Tulog pa siya. Ano kayang ginagawa ng lalaking to dito? Tinitigan ko siya, hindi ko nga maitatanggi, ang gwapo ng lalaking nasa harapan ko ngayon at nakahiga katabi ko. Ang tangos ng ilong niya, ang cute niyang matulog, napatingin ako sa lips niya ang pula. Lagpas pa yung lipstick niya.

Teka, lipstick ba talaga yon? Tinitigan kong maigi...sugat.

Saan niya nakuha yang sugat na yan? Sariwa pa eh. May nakaaway ba siya kagabi? Blackout talaga ako, wala akong maalala.

Hinawakan ko yung sugat niya.

"Aray."

Nagising siya. Tanga mo naman kasi Ana bakit mo hinawakan? Malamang masakit pa yon.

"Ang sakit. Bakit mo hinawakan?"

"Para magising ka? hehe"

"Gising na ko. Teka, masakit pa ba ulo mo?"

"Medyo masakit pa, pero okay na ko."

"Buti naman. Baba na ko. Pagtitimpla kita ng kape. Baka tulog pa si lola."

"Puyat ba siya?"

"Oo, naglalaro yon kagabi."

"Ng ano? Plants vs. Zombies?"

"Hindi. Temple run."

Si Lola talaga.

Bumaba na si Lexter, ako naman inayos yung hinigaan namin at nag-shower na. Para fresh di ba?

Pagkababa ko, nandoon siya sa kusina, naghahanda ng breakfast. Sakto namang paglabas ni lola sa kwarto niya.

"Goodmorning lola."

"Ano? Nakagawa na ba kayo ng baby ha? Magkaka-apo na ba ako sa tuhod?"

Nagkatinginan kami ni Lexter at sabay napalunok. Ano bang sinasabi ni lola? Iba na talaga ang takbo ng utak ng lola ko.

"Lola talaga."

"Aba'y bakit?"

"Saka na po yon lola pa kinasal na kami."

Siniko ko nga. Walanghiya, hindi pa nga kami kasal na agad.

"Kailan niyo ba balak magpakasal?"

"Bukas na bukas po lola."

Ano bang kabaliwan ang pinag-uusapan nilang dalawa?

"Bukas ba kamo? E di matawagan na ang mama't papa mo."

Akala ko nagbibiro lang si lola at kinuha pa yung cellphone niyang touch screen. Nagulat na lang kami ng mag-ring na.

"Hello, magandang umaga din. Ako'y napatawag at gusto na palang magpakasal ng anak mo at ng apo ko."

Inagaw ko kaagad kay lola ang cellphone.

"Naku, tita pasensya na po kayo kay lola. Niloloko po kasi ni Lexter."

[Ganoon ba? Akala ko naman totoo na.]

"Hehehe, pasensya na po talaga tita. Sige po."

[O sige. Pero balitaan niyo agad kami kung seryoso na ha? Teka si Lexter ba ay nandyan?]

"Opo tita."

[Pasabi umuwi naman.]

"Okay po."

Si tita na ang nag-end ng call, sasabog ang puso ko doon. Nakakahiya sa parents ni Lexter, baka isipin pinagti-tripan namin sila.

"Lola naman."

"Aba'y bakit? Doon din naman ang punta niyo."

"At ikaw, umuwi ka naman daw sa inyo." 

Lumabas na ako ng bahay, dumeretso ako sa halamanan ni Lola. Kailangan ko ng sariwang hangin, nakaka-stress yung dalawang tao na nasa kusina.

Book 1: 10 Ways to Find your TRUE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon