Chapter 25: #4-#6 Ways to Find your True Love

875 14 2
                                    

A/N: dahil nadagdagan ang fans, nag-update na ko.hehehehe!! Pero BITTER pa din ako kasi hindi ako nakanuod ng DREAM KPOP CONCERT T__________________________T!! Opportunity na yun na makita ko si Jessica at si fafa DO eh.....T3T!! Pero hindi bitter ang chappy na to...

Dedicated to sayo, thanks for becoming a fan. <3

READ.COMMENT.VOTE.BECOME A FAN


Chapter 25: #4-#6 Ways to Find your True Love

Lexter's POV

Hindi ako maka-oo kay Ana na tutulungan ko siya kasi kahit ako walang talent sa pagsusulat kahit nga tula wala din. Kanino ba ako pwedeng magpatulong? Kay Selene? Puro kpop lang naman alam noon. Si Cris kaya? Sa pinsan na nga lang niya ako magpapatulong.

Pagkahatid ko kay Ana, dumiretso ako sa bahay ng pinsan niya. 

"Anong kailangan mo Lex?"

"Hihingi sana ako ng favor sayo."

"What is it?"

"Help me construct a song."

"Aww, haharanahin mo si Ana? Ang sweet naman."

"Hindi"

"Para saan yang kanta? May iba ka bang nililigawan?"

"Wala"

"Ano nga?"

"May project kasi siya, she needs to write a song about her mom."

"Mahirap nga para sa kanya ang gumawa ng kanta about doon. Alam mo naman di ba? Matagal ng patay ang parents ni Ana kaya mahirap para sa kanya ang bumuo ng isang kanta tungkol sa magulang niya most especially a song for her mom."

I sigh. Oo nga pala, bakit ko ba nakalimutan yun? 

"Okay, I'll help you. You know how to play guitar?"

I nodded.

"Kunin mo muna gitara mo tapos bumalik ka dito."

Umuwi ako at bumalik din kina Cris, ginawa na namin yung kanta na project ni Ana. Talented talaga tong pinsan niya, bukod sa marunong tumugtog ng gitara, marunong ding magcomposed ng kanta.

"Thank you."

"Wala yon, basta para sa pinsan ko."

*****

Ana's POV

Kinakabahan ako, as in. Monday na, wala pa rin akong naisusulat na kanta. Buong weekends nakatulala lang ako sa harap ng papel. Blangko talaga ang utak ko, walang pumapasok sa utak ko kahit isang linya man lang.

Wala ako sa sariling nagbukas ng locker, may nakasingit na naman na note. Pero bukod doon, may isa pang papel akong nakita. Paano kaya niya nailagay sa loob ng locker to?

Dear Mom...yan ang nakasulat sa pinakataas ng papel. Tula? Naalala ko bigla yung project ko na deadline ngayon. Kanta? Mabilis kong kinuha yung sticky note para tingna kung anong nakasulat doon.

#4 He will make your project

I smiled. Suddenly, I felt relieved. I never thought na gagawin niya to para sakin, wala kasi siyang sinabi last week na tutulungan niya ko. May pa-surprise pala at sakto pa na kasama sa 10 ways niya ha. Sinimulan kong basahin ang ginawa niya. 

Siya ba talaga gumawa nito? Nevermind, kung hindi man siya or nagpatulong siya sa iba. The fact na nag-effort siya para sakin, that's more than enough. Maluha-luha ako habang binabasa ko yung lyrics ng kanya. 

Book 1: 10 Ways to Find your TRUE LOVEWhere stories live. Discover now