10WTFYTL (Christmas Special)

841 18 2
                                    

A/N: Sabi ko sa inyo eh, babawi ako.hehe!! Sana maenjoy niyo to, alam ko hindi siya ganung kakilig-kilig pero sana pagtiyagaan niyo na. XD

Para sayo ang special chap na to, thanks for becoming a fan!!


10WTFYTL (Christmas Special)

Ana's POV

"Apo bakit nandito ka pa?"

Tiningnan ko si lola, saan ba niya ko gustong papuntahin? Every christmas naman nandito lang ako sa bahay. Naghihintay ng mga batang namamasko.

"Bakit lola? May iba pa po ba kong pupuntahan?"

"Oo naman"

Ha? Naguguluhan ako kay lola kung sa tingin niya kina Lexter ako magi-spend ng christmas, no way, although to tell you readers frankly na-disappoint ako ng sinabi ni Lexter na hindi niya kayang mag-stay sa tabi ko ngayong Christmas pero kailangan ko siyang intindihin, kasi most of all priority pa rin niya ang family niya di ba? Sino ba naman ako?

"San po 'la?"

"Sa mga ninong at ninang mo, gayahin mo pati yung mga bata nagbabahay-bahay

Yun pala yun kaya ako pinapaalis, si Lola naman. Parang hindi ko maisip ang sarili ko na namamasko pa rin hanggang ngayon. Siguro kung matindi ang pangangailangan ko, gagawin ko yun. Hidi pa naman sa ngayon. Lol

"Joke lang."

"Si lola talaga."

"Bakit wala dito si Lexter?"

"Sa kanila po siya mag-spend ng christmas tsaka sino ba naman ako para samahan niya ko today di ba?"

"Sino ka? Ikaw ang mahal ko."

Lumingon ako sa pintuan, isang malapad na ngiti na Lexter ang nakita ko. May dala-dala siyang cake and flowers.

"Lexter!"

"Merry christmas Ana"

Tumakbo ako palapit sa kanya, di ko alam kung anung pumasok sa utak ko at niyakap ko siya ang alam ko lang namiss ko siya at parang may kulang sakin pag wala ang presensya niya.

"Ana?"

Umiiyak na naman ako, hindi ko mapigilan. Feeling ko dinaya niya ko at niloko ng di niya sabihin na pupunta siya dito ngayong pasko.

"Bakit di mo sinabi?"

"Surprise nga di ba?"

Pinaalis niya ko sa pagkakayakap sa kanya, ibinaba niya yung mga dala niya at hinawakan niya ang mukha ko. Pinahid niya ang mga luha ko at tinitigan ako.

"Pwede ba wag ka ng umiyak? Ayokong nakikitang umiiyak ang babaeng mahal ko. Tahan na Ana okay?"

Tumango lang ako.

"I love you"

I look at him. I can see in his eyes the sincerity and his feelings for me. I'm going to love you too Lexter but not now...soon!

Tumigil na ko sa pag-iyak. Ngumiti siya at tinap ang ulo ko.

"Good girl"

Kinuha niya yung mga dala niya at dumeretso sa kusina.

Good girl? Di ba parang pang-aso yun? Aso ba ko? Nauto na naman ako ni Lexter.

"LEXTER HINDI AKO ASO!"

Nakakabwisit yung lalaking yun, sinundan ko siya sa kusina. Feeling nasa bahay nila kung makalagay ng mga dala niya sa table at makapagbuklat sa ref namin.

"Bawiin mo yung sinabi mo."

Tumingin siya sakin at lumapit, ipinatong niya yung kamay niya sa ulo ka at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Hindi ka aso Ana at kung iniisip mong inuuto kita, you're wrong cause I'm not and I'm not going to do it to you. You know what you really are to me? You're too precious to be a dog."

Ngumiti siya at umalis sa harapan ko pero bago siya tuluyang bumalik sa harapan ng ref namin lumingon siya sakin. Pero ano ako sa kanya?

"Because you're my one and only love."

*****

"Buti pinayagan ka ng parents mo na dito mag-pasko samin."

"Syempre naman gwapo ako eh."

Ang hangin talaga ng lalaking to. Nandito kami ngayon sa harap ng bahay namin, natingin ng mga batang padaan-daan at namamasko kay lola.

"Ang tagal naman."

Lumingon ako sa kanya, ano naman kaya ang pinagsasasabi nito?

"Matagal ang alin?"

"Yung mga inaanak mo."

"Ha?"

"Inaanak, di mo ba alam yun?"

"Alam ko."

"Oh, alam mo pala eh. Bakit wala pang nadating ni isa?"

"Wala naman kasi ako noon."

"Wala kang inaanak, bakit?"

"Ewan ko, wala pa naman pati akong trabaho para mai-pamasko sa kanila. Ikaw ba may inaanak na?"

"Oo naman, sampu. hahahahaha!"

Ang dami naman nung kanya, samantalang ako wala. Sigurado naman ako sa parents niya galing yung binibigay niya sa mga inaanak niya.

"Bakit nandito ka? Pano mo mapapaskuhan yung mga inaanak mo?"

"Iniwan ko naman kay mama yung pamasko ko sa kanila."

"Wow ha, galing din naman sa parents mo."

"Oo naman, hindi ko tinatanggi."

Inabot na kami ng dilim dito, si lola pumasok na sa loob at inaantok na daw siya. Kami na lang ni Lex ang naiwan sa labas. Ang lamig na dito sa labas, wala pa man din akong suot na jacket.

"Haaay, ang lamig no?"

Nag-unat siya ng kamay at naglanding yun sa balikat ko, inilapit niya ko sa kanya. Ihihilig ko sana yung ulo ko sa kanyang balikat kaso...

"Feel na feel mo naman."

"Aray! Ana ang sakit nun." Kinurot ko nga. Siya tong sumisimple ng akbay sakin.

"Feel na feel pala ha, bahala ka diyan sa labas."

Pumasok na ko sa loob. Ang kapal talaga ng lalaking yun.

"HOY ANA!! JOKE LANG YUN. HOOOOOYYY! BUMALIK KA DITO!"

"Ano ba yan, paskong-pasko di ako maka-score"

"Narinig ko yun."

Iniwan ko talaga siya. Natutuwa ako ngayon. Ang saya ng pasko ko, thank you Lexter.

Book 1: 10 Ways to Find your TRUE LOVEWhere stories live. Discover now