Chapter 15: Here you are again

1K 21 2
                                    

A/N: Para kay Jadey_08 ang chapter na to, thanks for being a fan sweety!!! Continue on reading ^__________^


Chapter 15: Here you are again

Lexter's POV


Dapat pala hindi ako nagwalk-out baka lalong lumayo sakin si Ana dahil sa ginawa ko. Baka lalo pa siyang magkagusto kay Dustin, Ayokong mangyari yun.


Nasaan na ba si Nara? Ngayon ko kailangan ng kausap, ngayon siya di nagpapakita. Kahit naman nababadtrip ako sa pagiging kabute niya, nakakatulong naman siya para mabawasan frustration ko sa nararamdaman ko kay Ana.


"Hello"


Galing naman nito, iniisip ko pa lang sumusulpot na.


"Ano na namang ginagawa mo dito?" Kunwari di ko siya hinahanap kanina.


"Psh! Kapag kay Ana, ang bait mo. Pag sakin, ang sungit mo."


"Siyempre, iba si Ana. Mahal ko yun e. Ikaw kabute ka lang."


Sumimangot siya sakin at padabog na umupo sa tabi ko.


"Ang sama mo, pasalamat ka ma...hehe"


"Ano?"


"Wala. Sabi ko, pasalamat ka at mabait ako."


Kinuha ko na mga gamit ko at tumayo na. "Saan ka pupunta?", tanong niya sakin.


"Ililibre mo ko diba?"


"Ha? Sinong maysabi?"


"Nakalagay sa planner ko, ililibre mo daw ako everytime na magkikita tayo."


Nakataas ang kilay na tumingin siya sakin.


"Kailan ka pa natutong magplanner?"


"Kanina lang. Hahaha. Halika na, ililibre mo pa ko."


Hinila ko siya sa pinakamalapit na kainan sa labas ng school. Di naman siya tumanggi sa libre, malakas ako dito. Hindi niya ko matitiis. Hahaha. Pero si Ana pa rin ang love ko.


*****Nara's POV


Matapos kong iwan si Ana, pabalik na sana ko ng school kaso nga lang nakita ko si Lex sa tapat ng school. Nilapitan ko siya, ang gwapo talaga niya, bakit kaya hindi siya mapansin ni Ana?Ang arte talaga ng babaeng yun, hindi naman kagandahan.Tsk!!


"Hello"


Lumingon siya sakin, bakit parang nagulat to?


"Ano na namang ginagawa mo dito?"


"Psh! Kapag kay Ana, ang bait mo. Pag sakin, ang sungit mo."


Lagi na lang mainit ang dugo nito sakin, pero okay lang yun. At the end of the day, nakakasama ko pa rin naman siya kahit iba ang gusto niya.


"Siyempre, iba si Ana. Mahal ko yun e. Ikaw kabute ka lang."


"Ang sama mo, pasalamat ka ma...hehe"


"Ano?"


"Wala. Sabi ko, pasalamat ka at mabait ako."


Phew! Muntik na yun Nara,muntik ka na.


"Saan ka pupunta?" Kakaupo ko lang, aalis na agad siya.


"Ililibre mo ko diba?"


"Ha? Sinong maysabi?" Kailan ko sinabi yun? Parang throughout our conversation, wala akong nabanggit na manlilibre ako.


"Nakalagay sa planner ko, ililibre mo daw ako everytime na magkikita tayo."


Tinaasan ko lang siya ng kilay, pasimple lang pero tinititigan ko talaga siya. Ang gwapo kasi niya. Ano bang mga pinaggagawa mo Nara? Hindi ko maiwasan eh.


"Kailan ka pa natutong magplanner?"


"Kanina lang. Hahaha. Halika na, ililibre mo pa ko."


Nginitian niya lang ako at hinila. Mabait lang ata to sakin pag magpapalibre. Pero okay lang, baka sa panlilibre ko ma-fall siya sakin.


Nagpahila lang ako sa kanya pero bigla siyang tumigil, muntik na tuloy akong matalisod.


"Si Cris at Dustin yun diba?"


Oh? Silang dalawa nga.


"Hindi ba crush ni Ana si Dustin?"


"Oo" 


Wala sa sariling sagot sakin ni Lex. Tiningnan ko siya, galit ang nakikita ko sa mata niya. Alam niyang masasaktan si Ana once na malaman niya kung anong meron sa pinsan at crush nito.

"Tara na, ililibre pa kita diba?"


Hinila ko na lang si Lex kahit ang sama pa rin ng tingin niya sa dalawa, hindi naman kami napapansin at busy kumain yung dalawa.


Hindi dapat to malaman ni Ana, once she finds out, magkakaron na ng pag-asa si Lexter sa kanya na hindi dapat mangyari.


*****

A/N: WOOOOHH!!! Nakapag-update na din. Sa mga readers, thanks sa patuloy na pagbasa ng 10 ways. Lalo tuloy akong ginaganahan. Kaso nga lang mapapatagal lagi ang UD at madami po akong thesis. Lima po siya bale.hahahaha

READ.VOTE.COMMENT.BECOME A FAN

Heartswings <3

Book 1: 10 Ways to Find your TRUE LOVEWhere stories live. Discover now