Chapter 11.2: Change for You

1.1K 26 2
                                    

Chapter 11.2: Change for You


Ana's POV


Napapaisip pa rin ako sa sinabi ni Lola kagabi, paano kasi kapag tinotoo yun ni Lexter? E di nalintikan na. Rakista? Saan nakuha ni Lola ang idea na rakista? Kahit kailan hindi ko gugustuhin ang rakista no, I don't want to be judgmental pero kasi I find emo.


"ANA!"


Napatalon bigla ang puso ko sa sumigaw ng pangalan ko pero nung lumingon naman ako, wala naman akong kakilala sa paligid. May nahagip ang mata ko, pero binalewala ko lang yun. Mali yung nakita ko, maling-mali.


"ANA!"


Sino ba kasi yun? May kumulbit sakin at napasigaw ako pagkakita ko sa kanya. Nakakatakot naman kasi tong nasa harap ko, mukhang hindi nakatulog ng isang taon sa sobrang itim ng mata tapos parang hindi nagsuklay ng limang buwan dahil sa tigas ng buhok. Baka nga mapatay ka ng buhok niya.


"Hoy, bakit ka sumisigaw diyan?"


"Sino ka ba kasi?"


"Si Lexter to, yung bestfriend mo. Rocks not dead!"


Ineexpect ko ng mangyari to pero nakakagulat pa rin. Uto-uto nga siya to the fact na sineryoso niya ang sinabi ni lola. "Nagustuhan mo ba? In-love ka na ba sakin?"


"In love your face. Bahala ka nga."


Nilayasan ko na siya, just like I always do. "Bestfriend, hindi mo ba nagustuhan? Sabi kasi ni lola gusto mo daw rakista kaya nagtransform ako para sayo."


"Ayoko sa rakista okay? Gusto ko yung normal na tao, hindi nerd, rakista o kung ano pa man."


Tinatawag niya pa rin ako pero nagbingi-bingihan lang ako. Enough with his nonsense act, habang tumatagal lumalala kasi to.


*****


Cris' POV


"Late ka na anak."


"I'm aware Ma, sa school na ko kakain ha. Bye!"


Kiniss ko lang siya sa cheek at nagtatakbo na palabas ng bahay. Buti hindi ganoong kalayo ang school dito sa bahay kaya pwede ko siyang takbuhin, sayang pamasahe pag sumakay pa ko. Bakit kasi hindi ka nagising ng maaga Cris? Ngayon pa man din ang acceptance sa sinalihan kong drama club.


*honk honk*


"AY PIPINO!!"


Aatakihin naman ako sa puso sa busina na yun. May kotse na tumigil sa gilid ko, pagbaba ng salamin non, may gwapong laman sa loob. hahaha!


"Get in."


"Naku hindi na, kaya namang takbuhin."


"Mapapagod ka lang. Sakay na."


Binuksan na niya mismo ang pinto ng kotse niya, nakakahiya naman kasi nag-effort so sumakay na rin ako. Pinaharurot niya bigla ang kotse. We get to school in no time kaya hindi ako na-late.


"Thank you so much, malelate na kasi talaga ko. Salamat ulit."


"Sandali --"


Nagtatakbo na ko papaunta sa D building kung saan nandon ang drama club. Kaya ko to! Sana makapasok ako.


*****


Ana's POV


Pilit pa ring humahabol sa paglakad ko si Lexter, kung wala lang kami sa hallway, kanina ko pa siya tinakbuhan. Pinagtitinginan na rin kasi kami ng mga estudyante dito. Nakakahiya na talaga.


"HOY ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MONG AGAWIN SAKIN ANG BOYFRIEND KO!"


"Cris?"


"AKALA MO KUNG SINO KANG MAGANDA, INAKIT MO PA TALAGA SIYA. ANONG KLASE KANG TAO?"


Ano???

Book 1: 10 Ways to Find your TRUE LOVEWhere stories live. Discover now