Chapter 26: Realizations (Part 1)

892 17 6
                                    

A/N: Nadagdagan na naman ang fans pero ang readers matumal...bakit kaya?Pano ko tatapusin tong story na itech kung kaunti ang nagbabasa at nagcocomment?? Nakakahurts you know..hehehe!! Drama na naman ang peg ko nito.hahahaha!!!

Pero dahil nadagdagan ng ISA ang fans ko, chige mag-UD na ko.Hahahaha!! Thank you sayo.

READ.VOTE.COMMENT.LIKE.BECOME A FAN


Chapter 26: Realizations (Part 1)

Lexter's POV

"Sigurado ka effective tong gagawin ko?"

"Oo naman."

"Pano kung hindi?"

"Ano ba Lexter? Wag kang nega diyan. Tinutulungan na nga kita."

Nandito ako ngayon sa bahay ng pinsan ni Ana at kasama ko si Selene at si Nara. 7 ways is I need to serenade her. I'm not that confident. At hindi ko alam kung effective ba tong gagawin ko para pakiligin ang babaeng mahal ko.

"Do we need to do this?"

"Oo nga aba."

A little revelation, the 10 ways? Si Cris talaga ang gumawa, noong sinabi niya sakin yon, hindi ako nagdalawang-isip na um-oo. Medyo alanganin ako sa mga nakalista but everytime I see Ana smiling because of those things, lumalakas lalo ang loob ko na gawin lahat ng yon. Ngayon lang medyo alanganin, hindi ganoong kaganda ang boses pero kaya namang pagtiyagaan. Kaya hindi ako sigurado kung matutuwa si Ana o maiinis lang.

"Nagawan ko naman na siya ng kanta dati."

"Excuse me, hindi ikaw ang gumawa non kundi ako. That's song is not for her. It's a project."

"Sabagay tama ka, pero hindi pa rin ako sigurado dito."

"Sigurado ka na dito and that's final."

"Sige...kayo na lang kaya? Tutal kayo naman ang talagang sigurado"

"Kami ba ang may gusto kay Ana?"

"Siyempre ako"

"Ikaw naman pala eh."

"Baka nga kasi pumalpak."

"Umayos ka nga, masasapak kita."

Ang kulit naman nitong si Criselda. Ayoko nga sabi, baka hindi pala harana ang mga gusto ni Ana, my loves. Sabi kasi dati ng lola niya mahilig siya sa rakista...pero di naman umubra yon. Ano bang mga dapat kong gawin para ma-inlove na talaga siya sakin? Hirap naman oh, baka si Dustin pa rin ang gusto niya hanggang ngayon? Kailangan ko atang gayahin si Dustin. Lumingon ako kay Cris na abala sa pagtotono ng gitara.

"Criselda, di ba crush ni Ana ang boyfriend mo?"

"Oo at bakit?"

"Ano bang katangian ni Dustin? Gagayahin ko."

Aray! Ang bigat ng kamay ng babaeng to, nahampas ako agad. Nagtatanong lang naman.

"Tanga ka ba? Bakit mo gagayahin ang boyfriend ko?"

"Kasi baka ako na ang magustuhan ni Ana kapag ginaya ko si Dustin."

"Mag-isip ka nga Lexter, kapag ginaya mo si babes at na-inlove sayo si Ana, sa tingin mo kay Lexter siya mai-inlove? Hindi, kay Dustin siya mahuhulog kasi si Dustin ang nakikita niya kay Lexter."

Oo nga ano, tama si Cris. Ano na ba ang dapat kong gawin? Hindi ako sigurado dito sa panghaharana pero wala na rin naman akong maisip na ibang paraan.

"Gawin mo na kasi to..."

Wala na rin akong nagawa, sinunod ko na lang lahat ng sinasabi ni Cris.

Book 1: 10 Ways to Find your TRUE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon