Chapter 17: As always

940 21 2
                                    

Chapter 17: As always

Nara's POV

Simula na ngayon ng sembreak, after the hell weeks - cramming and unending projects, makakapagpahinga na din sa wakas. Kamusta na kaya si Lexter? Magkalayo kasi ang bahay namin kaya tuwing bakasyon hindi ko siya nakikita. Agang-aga Nara, si Lexter na naman iniisip mo, wala namang pakialam yun sayo. Busy yun kay Ana. Lalaking martyr di naman gusto ng babaeng gusto niya.

"Nara, gising na!"

"Opo Ma."

Bumangon na ko at inayos ang sarili ko, bumaba na ko para sumabay sa pagkain kina Mama at Papa.

"Anak, pumunta ka ng mall mamaya. Bumili ka ng stocks natin sa kusina wala na kasi."

"Sige po Mama."

Hindi kasi si Mama nabili sa market, maarte yan eh. Sanay siya na sa department store nabili ng groceries dito sa bahay. Good thing na inutusan ako ni Mama para naman makagala ako ngayon. Naligo na ko at nagbihis after kong kumain. Binigyan lang ako ni Mama ng pera pang-groceries at nagbigay din siya ng excess money kung sakali daw na may makita ako na gusto ko. How generous my mom is.

Naglakad-lakad lang muna ako sa mall, tingin dito tingin diyan. Mamaya na ko bibili ng inuutos ni Mama masyadong mabigat kasi pag uunahin ko yun bago maglibot sa mall. Nakarating na pala ako sa third floor ng mall, tumingin ako sa mga showing ngayon na movie. Balak ko sanang manood kaso pagtingin ko sa Cinema 2 ang haba ng pila kaya huwag na lang, bumaba na ko.

Nakakapagod gumala dito sa mall lalo kung solo ka lang, walang kausap habang nagwiwindow shopping. Wala pa akong nakikita na gusto ko. Umupo muna ko sa food court, since gutom na ko bumili muna ako ng pagkain after nito mamimili na ko ng groceries.

Pumunta na ako sa supermarket, namili ng inutos sakin ni Mama. Tiningnan ko yung listahan na binigay niya sakin, lagi itong ginagawa ni Mama pag uutusan ako, para daw hindi ako magkamali ng bibilhin. Binili ko lahat ng nakalista at nagbayad sa cashier. Mabigat din pala ang pinamili ko dapat nagpasundo ako kay Papa. Sana makasakay ako agad kaso maiihi pa ko. Ang bigat pa man din ng dala ko. Saan nga ba ang CR dito? Ang alam ko kasi sa 3rd floor pa ang CR, pinaiwan ko muna sa baggage area yung mga pinamili ko at nag-escalator na ko papuntang 3rd floor. Buti kaunti ang tao ngayon, nagmadali akong pumunta ng CR.

Paglabas ko may dalawang tao na nagtatago malapit sa CR. Nakatalikod sila parehas sakin, biglang humarap yung lalaki sa babae.

Si Lexter...

Anong ginagawa niya dito? Sino yung kasama niya?

Kinuha niya sa bulsa niya yung panyo at pinunasan niya yung mukha nung girl na kasama niya. 

Nakangiti siya kahit hingal na hingal, mukhang masaya siya katulad ng pag nakikita at nakakausap niya si Ana. Nakatitig lang siya dun sa babae, maya-maya unti-unting lumalapit yung mukha niya dun sa girl ramdam ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. Alam ko sa sarili ko na nasasaktan ako.

Ngumiti si Lexter, may sinabi siya dun sa babae. tapos bigla na lang siyang tumakbo at hinabol siya nito.

Si Ana.

Bakit ba hindi ko naisip na si Ana yung kasama niya, kasi nga Nara, imposible diba? Hindi siya gusto ni Ana kaya bakit siya sasama kay Lexter? 

Ang saya nilang tingnan, naghahabulan sila sa gitna. Walang pakialam sa mga taong nakakakita sa ginagawa nila.

I hear my phone ringing, I get it in my pocket and look who's calling. It's my Mom. I clear my throat and answer the call.

"Mama."

Book 1: 10 Ways to Find your TRUE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon