CHAPTER 4: The Ways

2K 36 1
                                    

CHAPTER 4: The Ways


Ana's POV


Nandito kami sa Mcdo ngayon, pareho kaming nagutom dahil sa kalalakad. Nakakapagod pong makipagtalo sa pinsan ko. hahaha


"What are we going to do next?"


Ayan na, nanghingi ako ng tulong sa kanya pero hindi ko sinabing madaliin niya lahat. "Ang sabi sa libro, don't be desperate to find one."


"Meaning, mali tong ginagaa natin. You don't have to chase for someone, just wait until that someone arrive."


"Paano kung sa 2015 pa?Anong gagawin ko? Nganga?"


Grabe ang tagal noon kung sakali ha, kailangan ko na bang magmakaawa kay universe na mag-meet na kami ni destiny kahit hindi ngayon, kahit mga bukas na lang. wahahah!


"Akin na nga yang libro mo, ano ba yung next way?"


Siya na nga ang nagbasa, "Way number 2, know what you really are."


BInasa niya yung caption sa baba habang natangu-tango at saka tumingin sakin. "This book make sense naman pala, siguro naman kilala mo na ang sarili mo? College na tayo at tapos na sa I have to find myself stage."


"I think so?"


Balik-tanong ko sa kanya, 'cause seriously hindi ko din alam ang sagot sa tanong niya. Kilala ko na ba talaga ang sarili ko? Basta alam ko lang apo ako ni lola, pinsan ko si Cris at palihim kong minamahal si Dustin. O-EM-GEE si Dustin my loves, haaaay kailan kaya niya ko mapapansin?


"Couz, dapat kilala mo sarili mo hindi naman sinabing the inner you but kung ano yung type ng guy na gusto mo and what kind of relationship you're up to."


Napatango lang ako sa sinasabi niya. Ang galing talaga niya sa mga ganyan. mahilig din kasi siyang magbasa, she love to lost herself in books and fictions aside sa mga nanliligaw diyan at naging boyfriend niya.


Full package na kasi si Cris, maganda, mabait, sexy, fashionista - alam niya kung ano at ayaw nya, talented din yan, saan ka pa?? Unlike me, kay Cris lang ako carefree at comfortable pero pagdating sa iba, bihira ako magsalita.


"Hmmm - di ko alam pinsan. Basta ang ideal man ko yung mabait, gentleman tapos sweet at siyempre mahal ko."


"Pinsan hello, lahat tayo gusto ng lalaking mahal tayo. Kaya nga you're looking for true love diba?"


May point siya doon. hehehe


"Let's set aside first the ideal guy, most of man today, looking for the girl that also fit their personality and interest. Yung merong compatibility between the two of them, para nga naman kasama niya si girlfriend sa mga bagay na na-eenjoy niya."


"Ibig sabihin ang mga bagay sakin is yung tahimik din? The boring type or nerdy type?"


Pag ganun naging boyfriend ko, ang boring namin parehas. Mamamatay naman ata ako noon. hahaha


"It's not what I'm trying to imply Ana, pero dapat kasi you have to learn to be comfortable to other as well, hindi lang sakin, sa mga blockmates mo nga hindi ka ganoong ka-close eh."


"Hindi ako sanay."


"Paano ka magkakaboyfriend niyan?"


"Diba kung gusto ka ng isang tao, kahit tahimik ka at hindi ka makipag-socialize, mapapansin at mapapansin ka pa rin nila."


"You have a point pero bago ka pa nila mapansin, mauuna na yung lively at sociable diba? Merong magkakagusto sayo pero kapag naging close sila sa iba, pwedeng mabaling yung pagkagusto nila sayo. Sakristan ba gusto mo?"


"Ayoko noh, hindi ako banal. Si lola lang yun."


Hindi nga ako mahilig magsimba, kapag pinipilit lang ako ni lola.


"Ang gulo mo, you're a pain in the ass A. Be more expressive kasi, kulang ka ng emotion kapag nasa school, gumawa ka ng paraan para mapansin ka nila."


"Paano yun? Lalapitan ko sila, makikipagkilala, magb-beautiful eyes, ganun?"


"You're hopeless. Hindi ganun ano ka ba, ibigay mo sakin yung libro mo. Ako na ang bahala, just sit back, relax and wait for our next mission impossible - mission possible pala."


"Wag puro kaberdehan ang isipin mong plano ha?"


"You're hurting my ego pinsan, hindi ako bastos."


Hindi na kami nag-usap, nagpaka-busy na lang kami sa pagkain...natutunaw yung sundae ko eh. Napaisip naman ako bigla sa mga napag-usapan namin, gusto ko talagang magka-boyfriend but my main goal is gusto kong si Dustin ang maging boyfriend ko.


Dustin Pereira, are you aware of my existence?


Kailangan ko na ba talagang baguhin ang sarili ko? Ano? Sumagot kayo? Kinakausap ko kayo wag niyong tingnan lang. hahaha! Nakakabaliw to. SHET!


****

NOTE: The edited chapter 4 is here :)))) Yung RF kooooo, matatapos na din. Isusunod ko na yung She is a Boy kasi alam kong madami nag-aantay ng update ko doon.


Heartswings ➳♥


Book 1: 10 Ways to Find your TRUE LOVEWhere stories live. Discover now