Chapter 16: Date?

1K 22 4
                                    

Chapter 16: Date?

Ana's POV

"HINDI/OO"

Napalingon kami parehas sa isa't-isa. Nakasimangot akong humarap sa kanya pero siya ngiting-ngiti. Bakit ang gwapo niya? Anong iniisip mo Ana? Burahin mo kung anuman ang nasa imagination mo ngayon.

Bakit yun ang sinabi niya, baka kung anong isipin ni Barbie saming dalawa.

"Ang cute niyong dalawa. Bagay na bagay kayo." 

Parang sobrang saya naman niya kahit hindi naman totoo.

"Sige ha, aalis na ko. Napadaan lang talaga ako. Pasensya na sa pang-iistorbo. Ituloy niyo lang yang date niyo." Tumakbo na siya paalis.

May pahabol talaga siya at isinigaw pa. Tiningnan ko si Lexter sa tabi ko, aba't ang loko nakangiting kinakawayan si Barbie. Hampasin ko nga.

"ARAY!! Ana, ano na naman?"

"Bat yun ang sinabi mo?"

"Dun din naman tayo pupunta, in-advance ko lang"

"Anong tayo, ikaw lang. May kasama na ko pagpunta don."

"Sino?"

"Si Dustin."

"Tch."

Sumimangot siya at tumalikod ng upo sakin, alam ko na nagseselos to. Ganun ba niya talaga ako kagusto? Mukha naman kasing trip trip lang yung sinabi non ni Nara. Although, vocal din naman siya sakin pero parang di naman totoo yung pagkagusto niya.

Hindi na siya umimik, hindi ko na lang din siya kinausap. Mas okay na rin yun, di ba?

"Ana."

Nilingon ko siya.

"Pasyal tayo bukas."

"Saan?"

"Sa mall."

Sa mall? Ano bang gagawin ko bukas?

"Wag kang tatanggi sembreak na."

Oo nga pala no, bakasyon na kami bukas, ngayon nga pala ang last na pasahan ng mga requirements namin, bakit ko ba nakalimutan yun?

"Sige." 

"Susunduin kita sa inyo. Huwag kang aalis ng wala ako, basta susunduin kita." Kanina nakasimangot siya, ngayon naman ngiting-ngiti sakin. May sayad talaga tong si Lexter.

"Wag na, kita na lang tayo sa mall."

"Sige." 

Ang bilis ding kausap. Amp!

*****

"Apo may pupuntahan ka?"

Lumingon ako kay lola, nakasilip siya sa pinto ng kuwarto ko.

"Opo lola."

"Bat mo pa ko pinauupo?"

"Ang sabi ko po mamamasyal lang po kami ng kaibigan ko."

Malimit ng nabibingi si lola, baka dahil sa lakas ng sounds niya lagi sa radyo at TV.

Binilisan ko na ang pag-aayos. Simple lang naman ang suot ko. Dress na hanggang tuhod at doll shoes with matching socks. Kinuha ko na yung mini shoulder bag ko.

"Lola alis na po ako."

"Goodluck sa date niyo ni Lexter!"

Ha? Nilingon ko si lola, pano niya nalaman na si Lex ang kasama ko? Eh hindi ko naman sinabi sa kanya.

Book 1: 10 Ways to Find your TRUE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon