Chapter 14.2: Strange Feelings

1K 18 2
                                    

A/N: Ayie, as promise nag-UD na po ako. hahahah!!!! Medyo mahaba-haba to. Lagi tayong comedy kaya ginawa kong medyo serious tong isang to, kahit minsan lang. Wala sa vocabulary ko yung seryoso, ngayon lang to nauso kaya pagpasensyahan na.hahaha!

Mag-vote na kayo, PUH-LEEAAAASSSEEE!!!! BECOME A FAN na din :)


Chapter 14.2: Strange Feelings


Ana's POV


Nagulat ako ng biglang umalis si Lexter, ano bang ginawa ko? Wala naman. Nalaman lang niya na gusto ko si Dustin, nag-walkout na agad. Bahala siya sa buhay niya, akala naman niya susundan ko pa siya para suyuin. Haaays, bakit ko ba pinoproblema yung pagwo-walkout niya?


Instead of thinking Lexter's scene kanina, I decided to go home since wala akong klase ngayong araw. Pumunta lang ako ng school para magpasa ng requirements.


Nasaan kaya si Cris? 3 days ko na siyang di nakikita, isang campus lang kami di pa kami magkitang dalawa. Baka kinalimutan na ko nun. Lagi din kasi siyang kasama ni Barbie, porke't kapatid siya ng isa sa Lucky 13. Si Omi lang naman gwapo don.


"Hi babe!"


Napalingon ako sa nagsalita sa may likuran ko, pamilyar kasi ang boses. Di nga ako nagkakalmali, ang magaling ko palang pinsan. Teka, BABE??!! May boyfriend siya?? Di man lang sinasabi sakin. Masyadong masikreto akala mo naman aagawa ko. Hahahah


"Kanina pa kita hinihintay."


Lumapit siya sa boyfriend kuno niya, di ko naman makita ang mukha kasi nakatalikod sakin. Though, pamilyar yung boses ng lalaki. Uuwi na lang ako, kaysa makiusyoso sa kanila. Saka ko na lang kukulitin si Cris tungkol sa boyfriend niya.


*****Ang sarap maglakad kapag ganitong maaliwalas ang panahon. Mahangin at hindi gaanong maaraw.


Hanggang ngayon bothered pa rin ako sa pagwo-walkout ni Lexter. Bakit nga ba siya nagwalkout? Ano bang ginawa ko? May gusto kaya siya kay Dustin kaya ganon ang reaction niya kanina? Pero malabo, mukha namang hindi bakla si Lex. Medyo medyo lang hahaha.


*beep beep*


Muntik na ko don, kakaisip ko sa lalaking yun sa gitna ng daan na pala ako naglalakad.


"Hi"


Sino to?


Maganda at maputing babae ang lumapit sakin, matangkad din siya sakin ng kaunti.


"You're Ana right?"


Tumango lang ako sa kanya, sabi kasi ni Lola don't talk to stranger daw. Tama na yung mga small gesture, ganoon. LOL


"I'm Nara." Nginitian ko lang siya. Ooookayy...


Book 1: 10 Ways to Find your TRUE LOVEWhere stories live. Discover now