CHAPTER 5: Mr. Nerd

1.6K 36 3
                                    

Chapter 5: Mr. Nerd


Back to school na naman ang peg ko, parang wala namang nangyari nung weekend samin ni Cris. Ang daming nadaang boys sa harapan ko, pero ni isa wala man lang sumulyap buti pa kay pinsan ang daming nakakapansin. Napaka-hopeless ko na yata. huhubels ┻━┻ ︵ヽ('▭')ノ︵ ┻━┻


May nagagawa na naman kami sa 10 ways na libro na binili ko pero bakit parang walang nangyayari? Kaya ayan, monday morning pinaglihi sa sama ng loob ang mukha ko.


"Ana, bakit ganyan ang mukha mo? Monday na monday eh, baka mahawaan mo ko ayusin mo yang mukha mo."


"Kasi naman...ang daming dumadaang lalaki pero ikaw lang ang napapansin nila. An ako dito, invisible?"


*PAK*


Pakshet! Binatukan niya kooooo!


"Adik ka ba? Ang drama drama mo diyan pero kasalanan mo din naman! Look at yourself, back to the old Ana ka na naman."


Oo nga balik ako sa nakasanayan ko, hindi ko naman tinatanggi sa kanya yun.


"Abnormal."


"Huwag kang bubulong kung maririnig ko lang din naman. And FYI, hindi ako abnormal. Normal to no, hindi lang ako sanay doon sa mga binili mo sakin damit. Feeling ko makikita kaluluwa ko doon."


"Ang OA mo, tama lang ang haba nung mga binili natin for you. Masyado lang kasing mahaba yang mga suot mo kaya akala mo maikli. Dapat kasi magsanay ka na, di ba sabi ko sayo, we're not living in ancient times. Year 2014 na ngayon if you forgot."


乂⍲‿⍲乂


Pinsan tama na ang pangaral, baon na baon na ko.


"Kaya paano ka makakahanap ng boyfriend niyan? Sabi sayo sa mga geek ka na lang eh."


Napasimangot lalo ako doon, nerd ba talaga ang destined for me? Bakit kasi ang boys ang hilig tumingin phisically? Hindi ba pwede through their personality na lang?


[Kaso wala kang friends na boys kaya paano malalaman personality mo?]


Alam mo minsan nagsisisi akong ikaw ang author nito, epal ka rin eh. Para kang si pinsan, you always drag me down.


[Eexit na ko, ang drama mo.]


"Hindi mo naman ako pinakikinggan, bahala ka na nga diyan."


Umalis siya sa tabi ko at nilayasan ako, ayan diyan kayo maggaling, ang iwanan ako. Since iniwan ako, dito na lang muna ako - tatambay. Lingon dito, lingon diyan, lingon naman doon. Sheeeeeeet! Tama ba tong nakikita ko? Si Dustin my loves, dadaan sa harapan ko.


(◡‿◡✿) (✿◠‿◠)

<(' .' )>

/˚,˚\


Tulad ng iba, dinedma niya lang ako. Oh nooooooo! Bakit kayo ganyan? Maluha-luha kong inabot ng tanaw ang mahal ko, hanggang tanaw ka na lang ba Ana? Ha? Ha?


"Miss - pwedeng makiupo?"


Napatigil ako sa pagdadrama ko ng may magsalita sa tabi ko...


(.>>) - tingin sa kanya

(<<.) - tingin sa tabi ko

(≖_≖ ) - tingin sa paligid.


Teka, madami namang vacant table dito bakit sakin pa makikiupo diba?


"O-kay."


I don't want ot be rude kaya um-oo na lang ako kahit ayaw ko ng may katabi. Umupo siya sa inupuan ni pinsan kanina which is sa tabi ko.


"Transfer student lang ako dito."


So? Anong paki ko?


"Pwede ba tayong maging friends?"


Tumingin ako sa kanya, kauupo lang niya kanina diyan tapos friends agad? Wow! FC siya sobra. Bigla naman akong napaisip, eto na po ba ang sinasabi ni pinsan na destiny ko? Kung siya po, hindi na po ako nagmamadali na magka-boyfriend. Kahit po mga 30 na ko magka-boyfriend. Tatanggapin ko po.


"Sorry, but I don't talk to strangers."


Tumayo na ko at umalis. "FRIENDS NA TAYO!" Shemay, umeksena pa talaga siya.


*****


NOTE: Edited chapter 5 is already posted. Sorry medyo natagalan, feeling busy ako. Hahahah!



Book 1: 10 Ways to Find your TRUE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon