Chapter 44: Sa wakas.

10.9K 237 69
                                    

April 04, CS262. Halos dalawampung taon na ang lumipas. Sa ngayon ay may kani-kaniyang pamilya na ang magkakaibigan at halos madalang na din silang magkasama-sama, dahil na rin sa kani-kanilang mga trabaho.

Kasalukuyang naglalakad papasok sa loob ng Olympus university si Annie kasama ang kaniyang mga anak. Halos madaming tao at mythical shaman ngayon ang nandito, dahil ito ang araw ng enrollment.

 

“Mama, magkikita-kita po ba kayo nila tita?” Tanong ni Lyra.

*** Lyra Lionheart. 15 years old at tulad ng kaniyang ina ay may natural siyang kagandahan. Nagmana si Lyra sa kaniyang ina na isang tao, ngunit hindi nila masabi kung hanggang kailan ito magtatagal.

Slim ang pangangatawan ni Lyra, nasa 5’3” - 5’4” ang kaniyang taas, medyo brown ang kulay na kaniyang buhok na hanggang balikat ang haba, maputi at makinis ang kaniyang balat at maganda ang kaniyang pyutsur. (If you know what I mean :3) ***

*Uhm!  Kaya bilisan nyo ang pag-fill up para maka-uwi na kayo. Ipapasundo ko na lang kayo sa driver na’tin ah.” Tugon ni Annie.

 

“Pwede po ba kaming magpunta sa mall after ng enrollment?” Tanong ni Ryna.

*** Ryna Lionheart. 15 years old din at siya ang kakambal ni Lyra. Nagmana naman si Ryna sa kanilang ama, kaya kahit bata pa ay nagagawa na niyang makontrol ang higit sa isang elemento ng sabay.

Slim din ang pangangatawan ni Ryna, nasa 5’3” - 5’4” din ang kaniyang taas, medyo brown din ang kulay ng mahaba niyang buhok, maputi din at makinis ang kaniyang balat at mukhang inagaw ni Lyra ang lahat ng genes, dahil mas malaki ang hinaharap nito kaysa sa kaniya. (If you know what I mean :3) ***

 

“Okay, okay. Pero tawagan nyo ang Lolo nyo ah! Para siya na ang sumundo sa inyo don.” Tugon ni Annie.

 

“Yes! Thank you, mama!” Masayang pagkakasambit ni Ryna.

Matapos sandaling mag-usap ay napalingon si Annie, dahil may pamilyar na boses ang kaniyang narinig.

 

“Melisa! Kamusta?!” Masayang pagkakasambit ni Annie.

“Eto okay lang naman. Ikaw? Ang balita ko ay sobrang busy ni Mark sa company nyo ah.” Tugon ni Melisa.

“Oo nga eh, pero lagi naman siyang may oras para sa’min.” Tugon ni Annie.

 

“Mabuti naman kung ganon.” Sambit muli ni Melisa.

 

“Kamusta po tita Annie?” Masayang pagkakasambit ni Emma.

*** Emma Oceanus. 14 years old at halos nakuha din nito ang mga katangian ng kaniyang ina. At nakuha naman niya ang kaniyang mga abilidad sa kaniyang ama.

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)Where stories live. Discover now