Chapter 23: Ang simula.

11.5K 313 41
                                    

Mabilis na nagtakbuhan ang lahat, dahil na rin sa takot matapos makita ang pagwawala ng Kraken. Agad ding naglabasan ang mga istudyante sa kani-kanilang mga classroom, dahil na rin sa patuloy na pag-atake ni Carl sa naturang paaralan. Samantala, wala ng pagpipilian pa si Ms. Audrie kundi ang labanan at pwersahan ng piglan si Carl. Ganon din naman ang ibang mga guro, kaya agad silang nagsama-sama upang mabilis nilang mapahinto ang malaking kraken.

 

“*Tsk! Ito na kaya ang tinutukoy ng aming clan leader?” Tanong ni Audrie derekta sa kaniyang isipan.

 

*** Flashback! xD ***

July 05, CS242. Sa loob ng kwarto ng clan leader sa Wolves den ay kasalukuyang kinakausap ni Viel si Audrie.

“Audrie, nais kong bantayan mo ang bawat kilos ng batang nag ngangalang Carl Culwen. Ayon sa sinabi sa’kin ni Aris ay kaklase niya ito.” Sambit ni Viel.

 

“Bakit po leader? Ano po ba ang meron sa batang yon?” Tanong naman ni Audrie.

 

“Isang Kraken ang batang yon at natitiyak kong alam nito kung nasaan si Hades.” Sambit muli ni Viel.

“Si Hades? Kung ganon ay ang batang yon ang isa sa mga kasamahan ni Hades?” Tanong muli ni Audrie.

 

“Tama ka. At natitiyak kong may binabalak si Hades laban kay Zeus, kaya niya ipinasok ang batang yon sa paaralan ng kaniyang kapatid.” Tugon ni Viel.

 

“Kung ganon po ay walang kaalam-alam si Zeus sa posibleng mangyari sa kaniya ngayon?” Tanong muli ni Audrie.

“Nagkakamali ka. Natitiyak kong alam na ito ni Zeus at may plano na din siya upang malabanan ito. Pero hindi na ako makapaghintay na mangyari ang mga bagay na yon. *Fufufufu.. Nakangiting pagkakasambit ni Viel.

 

*** Flashback end’s here! xD ***

“Ang batang yon. Bakit siya nag take-over mode kung hindi naman pala niya ‘to kayang kontrolin?” Sambit ni Lexy.

 

“Dapat na’ting mapigilan ang batang yan bago niya tuluyang masira ang buong school!” Sambit ni Lami.

 

“Susubukan ko siyang pigilan!” Sambit naman ni Jakiro.

 

“Tutulungan kita.” Sambit naman ni Eve.

 

“Sige, gawin na na’tin. Pero mukhang mahihirapan tayo dito.” Sambit naman ni Niel.

 

“Reserve the chat later at pigilan na na’tin sa pagwawala itong batang ‘to.” Sambit naman ni Audrie.

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)Where stories live. Discover now