Chapter 10: Lalakeng may pulang buhok.

14.4K 306 28
                                    

June 24, CS242. Araw ng myerkules. Umaga at sa ngayon ay kakagising lang ni Luke. Tulad ng lagi niyang ginagawa ay nag-inat muna ito, pero sa pagkakataong ito ay wala naman na siyang nahawakang malambot na bagay. xD

Hanggang sa ngayon ay hindi siya makapaniwala sa kaniyang mga nalaman kahapon tungkol kay Poseidon at sa mga sinabi nito sa kaniya. At ang mga bagay na ito ay hindi pa niya nasasabi sa kaniyang mga kasama, dahil hindi pa siya nakakauwi sa kanilang tunay na bahay.

“Haaay! Sinong mag-aakalang makikilala ko si Poseidon? *Fufu.. Natitiyak kong magugulat si ama sa oras na malaman niyang nandito na din ang isa pa niyang kapatid.” Sambit ni Luke.

Ilang sandali pa ay tuluyan na itong bumangon sa kaniyang kama at kalaunan ay naghanda na ng kaniyang kakainin para sa almusal. At nang makalabas ng kaniyang kwarto ay sakto namang kalalabas lang din ni Carl, kaya sabay na silang pumasok sa paaralan.

Lumipas pa ang mga araw at sa ngayon ay nasabi na ni Luke sa kaniyang mga kasama sa kanilang bahay ang kaniyang nalaman tungkol kay Poseidon. Laking tuwa naman ni Hades sa ibinalita ni Luke sa kanila, dahil posible nilang maging kapanalig ito. Malaki din kasi ang galit nito sa kanilang kapatid na si Zeus, dahil ito ang may pakana kung bakit nila nagawang labanan ang kanilang mga creator.

June 27, CS242. Araw ng sabado at ngayong araw ay magkikita-kita ang magkakaibigang: Mark, Annie, Selina, Aron, Alex, David, Melisa, Lina at Jigo. Balak nilang magtungo sa bahay ni Annie upang dito ay mapag-usapan nila ang kanilang mga gagawin, para mapa-lapit kay Zazan na inaakala nilang reincarnation ni Rain. Sa ngayon ay si Aron na lang ang kanilang hinihintay sa harapan ng gate ng kanilang campus.

 

“Bwisit na Aron yon! Bakit ba lagi na lang siyang nahuhuli sa araw na magkikita-kita tayo?” Inis ang tono ng pagkakasambit ni Annie.

 

“Nako Annie! Parang hindi ka na nasanay sa lalakeng yon.” Sambit naman ni Selina.

 

“Tama si Selina, kaya wag ka ng mag-reklamo at kutusan mo na lang siya sa pagdating niya.” Walang emosyong pagkakasambit naman ni Alex.

 

“Talaga kukutusan ko yung lokong yon!” Inis muli ang tono ng pagkakasambit ni Annie.

 

*Oh! Ayan na pala siya eh!” Sambit naman ni David.

Ilang sandali pa nga ay nakarating at nakalapit na si Aron sa kaniyang mga kaibigan.

“Sorry! Si Airen kasi…” Nabiting pagkakasambit ni Aron.

*** SFX: TOOOOOOOOOOINK! ***

“Araaay!” Sambit muli ni Aron.

Mabilis na napakamot ng kaniyang ulo si Aron matapos siyang kutusan ng malakas ni Annie.

 

“Sa susunod na mahuli ka pa ay hindi ka na talaga na’min hihintayin!” Galit na pagkakasambit ni Annie kay Aron.

 

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon