Chapter 29: Hindi inaasahang pagtatapat.

9.7K 252 34
                                    

September 23, taong 4117. Dalawang araw ang lumipas magmula ng magpadala si Zeus ng liham kay Izual.

8:00 ng umaga at sa ngayon ay inihahanda na ni Zeus sa loob ng kaniyang silid ang lahat ng bagay na kaniyang kailangan upang maisakatuparan nila ang kanilang matagal na plano.

Ilang sandali pa ay may isang pamilyar na bagay na nakita si Zeus sa labas ng kaniyang bintana at mabilis itong lumilipad papalapit sa kaniya. Sa mga oras na yon ay nabatid na rin niya kung anong ito at isa itong familiar.

May dalang isang liham ang familiar na agad namang natanggap ni Zeus. Mabilis niya itong binasa at ng matapos ay bigla na lang siyang napangiti.

*Fufufu.. Kung ganon ay oras na pala. Nakangiting pagkakasambit ni Zeus.

Matapos magsalita ay agad niyang sinunog ang liham at kalaunan ay lumabas ng kaniyang kwarto.

Samantala, mapunta naman tayo ngayon sa bayan ng Loren. Kasalukuyan ngayong kumakain ng almusal si Hades kasama ang kaniyang mga anak sa loob ng kanilang bahay.

Zeren. Sambit ni Hades.

Bakit po ama?Tugon ni Zeren.

Ano itong nabalitaan ko na naki pag-away ka raw sa mga batang lycan? Tanong ni Hades.

Hindi po ako naki pag-away sa kanila. Dahil kung totoong nangyari po yon ay natitiyak kong patay na silang tatlo, ama. Tugon ni Zeren.

*Hmmm.. Tama nga naman ang sinabi mo. Pero bakit nila sinabing naki pag-away kayo? Tanong muli ni Hades.

Baka po naiingit lang sila sa taglay naming lakas, ama.Sambit ni Zenon.

Yon din po ang hinala ko ama.Sambit muli ni Zeren.

Ganon ba? *Hmmm.. Pero ang kwento sakin ng mga magulang ng mga batang yon ay tinakot mo daw sila, Zeren. Totoo ba ang bagay na yon? Sambit muli ni Hades.

Hindi ko po sila tinakot ama. Masyado po kasi nila akong hinahamak, kaya po ipinakita ko sa kanila ang kaibahan ng aming mga lakas.Tugon ni Zeren.

Tama ang ginawa mo kuya! Buti nga sa kanila! *Hehehe! Sambit ni Zenon.

Nauunawaan ko. Ngunit sa susunod ay sana magtimpi ka pa sa mga mangmang na hindi nakakaalam ng tunay nyong mga lakas. Maliwanag ba, Zeren? At pati na rin ikaw Zenon. Sambit muli ni Hades.

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon