Chapter 25: Nakaraang tatlong daang taon. Part 2

12.1K 282 31
                                    

Makalipas ang limang taon, kasalukuyan pa ring kasama ni Hades ang apat na Phoenix. At kasa-kasama niya ang mga ito sa tuwing nakikipaglaban siya sa kanilang mga kaaway.

Sa lugar na nasasakupan ng mga werewolf ay kasalukuyang nagkukubli sa mga puno si Hades, kasama si Eclaire at ang apat na Phoenix. At kung bakit sila naririto ay dahil sa isang pakay at ito ay ang mag espiya na inutos sa kanila ng mga elders.

Sa ngayon ay nalaman na ng mga werewolf ang kanilang pakay at sa mga oras na ito ay hinahabol na sila.

 

“Hades! Umatras muna tayo! Masyadong madami ang mga werewolf na humahabol sa’tin.” Sambit ni Eclaire.

*Tsk! Sige pero mauna ka na. Alam kong hindi mo pa master ang teleportation, kaya mauna ka nang umalis dito. Kami na at ang mga anak ko ang bahalang humarap sa mga humahabol sa’tin.” Sambit naman ni Hades.

 

“Nasisiraan ka na ba!? Hindi ko maaaring gawin ang bagay na yon!” Sambit muli ni Eclaire.

“Ako ang may kasalanan kung bakit ka napunta sa sitwasyong ito. Kung hindi lang sana kita hinayaang sumama sa’kin ay hindi malalagay ang buhay mo sa panganib, kaya pakiusap lang ay iwan mo na ako dito.” Sambit muli ni Hades.

 

“Pero hindi ko kayang iwan ka dito! Baka mapatay ka nila!” Sambit muli ni Eclaire.

“Wag kang mag-alala sa’kin. Kasama ko ang mga anak ko, kaya wala kang dapat ipag-alala. At isa pa isa akong dyos ng apoy!” Nakangiting pagkakasambit ni Hades.

Sa mga sandaling ito ay hindi na nagawa pang magsalita ni Eclaire, dahil naramdaman nilang malapit na ang mga werewolf na humabol sa kanila.

 

*Tsk! Mukhang nakita na agad nila tayo! Kailangan mo na talagang umalis ngayon, Eclaire.” Sambit ni Hades.

Matapos magsalita ay agad napa-tingin si Hades kay Eclaire at dito ay nag-alala siya, dahil parang may malalim itonng iniisip.

 

“Ano pa ang ginagawa mo!? Umalis ka na dito.” Sambit muli ni Hades.

Napatingin na lang si Eclaire habang may pag-alala sa kaniyang mukha, pero batid niyang hindi kakayaning makipaglaban ni Hades sa mga werewolf ng mag-isa. Lalo na sa estado ng kanilang mga lakas ngayon. Kahit mahirap para kay Eclaire ang ipinag-uutos ni Hades ay wala siyang nagawa kundi ang umalis at ipagdasal na maging ligtas ang kaniyang minamahal.

 

“Ipangako mong babalik ka sa Nilflehiem.” Sambit ni Eclaire.

 

*Uhm! Pangako, babalik ako.” Nakangiti namang pagkakatugon ni Hades.

Ilang sandali matapos magsalita ni Hades ay agad ng tumakbo papalayo si Eclaire. Samantalang si Hades naman ay agad ng lumabas at hinarap ang mga werewolves na humahabol sa kanila. Agad namang napahinto ang mga werewolf at agad inalerto ang kanilang mga sarili.

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)Where stories live. Discover now