Chapter 38: Reign Icarus.

10.1K 255 13
                                    

July 13, CS242, araw ng lunes. Apat na araw ang lumipas matapos mangyari ang insedente sa paaralan. Sa ngayon ay balik na sa dati ang lahat, ngunit si Raziel Draken na ang kasalukuyang namamahala sa Olympus university. Minabuti ng mga guro na pansamantalang itinago ang pagkamatay ni Zeus sa publiko upang hindi na ito magdulot pa ng malaking problema. Ipinalabas din ng mga ito na nakatakas lang si Zeus at sa ngayon ay nagtatago upang hindi mag-alala ang iba.

Binabalak pa rin naman ng mga guro na ipaalam ang pagkamatay ni Zeus at isiwalat ang mga krimeng nagawa nito sa nakaraan. Ngunit hindi pa ito ang tamang panahon upang gawin nila ang bagay na yon, dahil na rin sa mga posibilidad na maglikha ito ng malaking kaguluhan. At isa pa ay mahihirapan sila sa pagpapaliwanag at pagsagot ng iba pang mga katanungan. Posible ring paghinalaan silang mga nagtaksil, dahil maraming kumikilala at humahanga kay Zeus.

Sinabihan na din sila Rain, Sophia at Carl na wag munang pumasok, dahil maraming naka-kita sa kanila nung naganap ang pag-atake sa naturang paaralan. Lalong-lalo na si Carl na nagsimula ng pag-atake. Kasalukuyan namang nasa pangangalaga nila Hades ang katawan ni Zeus at sa hiling na rin ni Sophia ay ikinulong din ito sa “Frost time cage” katulad ng kaniyang ina.

Samantala, sa ngayon ay kasalukuyan nagpapatuloy ang mga klase. Kahit ang ibang estudyante ay nababahala pang pumasok, dahil na rin sa posibilidad ng muling pag-atake. Ngunit nangako ang mga bumubuo ng paaralan na hindi na yon mauulit pa, kaya naalis na ang mga agam-agam at pangamba.

Mapunta tayo ngayon sa loob ng classroom ng class-Fire 3. Halos kakatapos lang ng una nilang aralin, kaya sandaling nagsama-sama ang magkakaibigan.

 

“Ano kaya ang ginagawa nila ngayon?” Tanong ni Selina.

 

“Wag kang mag-alala, natitiyak kong nagsasanay lang ang mga yon.” Sambit ni Mark.

 

*Uhm.. Kahit si Jigo ay sinasanay na rin nila ginoong Azys.” Sambit ni Lina.

 

“Sobrang nami-miss ko na si Jigo.” Medyo malungkot na pagkakasambit ni Alex.

 

“Pupunta naman tayo don mamaya eh, konting tiis na lang Alex.” Sambit ni Annie.

 

“Pero nami-miss ko na talaga siya.” Medyo malungkot muling pagkakasambit ni Alex.

Samantala, kanina pa nakikinig si Claudette sa pinag-uusapan ng magkakaibigan at labis-labis na ang pag-iisip nito, kaya minabuti na niya lumapit.

 

“Sino ba yung mga pinag-uusapan nyo?” Tanong ni Claudette.

Labis namang nagulat ang magkakaibigan, dahil hindi nila napansin ang paglapit ni Claudette sa kanila. Samantala, wala naman paki-alam si Alex sa kaniyang paligid, dahil masayang inisip nito ang kaniyang kasintahan.

 

*Umm.. *Umm.. Ayun! Si Jigo! Wala kasi siya ngayon, kaya siya yung pinag-uusapan na’min.” Medyo natarantang pagkakasambit ni Annie.

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)Where stories live. Discover now