Chapter 39: Ang pagpapatuloy sa hindi natapos na paglalaban.

10.1K 254 14
                                    

July 13, CS242, araw pa rin ng lunes at sa ngayon ay nasa loob pa rin si Alex ng isang nakakatakot na kapangyarihan, ang Utopia Phantasm.

Halos may limang oras ng binabantayan ni Jigo ang kaniyang kasintahan, dahil labis pa rin siyang nag-aalala para sa kalagayan nito. Sa ngayon ay inilipat nila ito sa kwarto ni Rain upang mas mabantayan nila at para malaman na din nila kung nakabalik na ang kanilang kaibigan, si Rain.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakabalik na sila Rain, agad silang sinalubong ng kaniyang mga kaibigan at mga kasama sa bahay.

 

“Maligayang pagbalik.” Masayang pagbati ni Aviona.

Agad kinausap ni Eclaire sila Hades, samantalang agad namang nilapitan ni Rain ang kaniyang mga kaibigan.

 

“Naging matagumpay ba ang muling pagkikita ninyong mag-aama?” Tanong ni Eclaire.

“Sabihin na na’ting ganon na na nga. At salamat kay Zenon dahil siya ang naging susi upang makuha na’tin ang panig nila.” Tugon ni Hades.

 

*Eh di nagtagumpay nga kayo!” Sambit muli ni Eclaire.

Napa-ngiti na lang si Hades at matapos nito ay sabay-sabay na silang nagtungo sa kusina upang doon ipagpatuloy ang kanilang pag-uusap.

Samantala, kasalukuyan ng nasa may sala si Rain dahil nandito ang kaniyang mga kaibigan. At syempre, hindi niya magawang magsalita dahil sabay-sabay nagtatanong ang mga ito.

 

“Sandali lang, pwede bang isa-isa lang ang pagtatanong?” Awkward na pagkakasambit ni Rain.

Sandaling tumahimik ang magkakaibigan at kalaunan ay nagkatinginan. Ilang sandali pa ay sabay-sabay silang tumango na tila nag-uusap gamit ang kani-kanilang mga isipan.

 

“Ano ang napag-usapan nyo nila master Zilan at Zelin?” Tanong ni Selina.

 

“Bakit hindi mo na lang sila tanungin sa pagbabalik mo sa base ng Yami clan?” Nakangiting pagkakatugon ni Rain.

Napangiti na lang si Selina dahil batid na niya ang naging resulta ng naging pag-uusap nila Rain at ng mga kapatid nito, base sa naging tugon nito sa kaniya.

 

“Kung ganon ay nagtagumpay kayo.” Sambit ni Lina.

 

“*Hehe..” Sambit muli ni Rain.

 

“Pero si Zazan? Bakit hindi ko siya makita?” Tanong ni Aron.

*Ahh! Nasa puder na siya ng Yami clan, pero wag kayong mag-alala. Nakumbisi na na’min siya na pumanig sa’min.” Tugon ni Rain.

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)Where stories live. Discover now