Chapter 7: Combat Practice.

15.4K 323 13
                                    

June 22, CS242. Araw ng Lunes at ngayon ay araw para sa combat practice ng class fire-1 sa subject nilang Special Myth. Sa ngayon ay hindi pa nagsisimula ang unang subject ng class fire-1, kaya kasalukuyang nag-uusap sila Zazan at ang mga bago nitong kaibigan sa kanilang classroom.

 

“Zazan! Handa ka na ba para sa combat practice na’tin mamaya?” Masayang pagkakatanong ni Roi kay Zazan.

 

“Combat practice? Anong combat practice?” Tugon naman ni Zazan.

 

“Hindi mo alam ang Combat practice?” Tanong naman ni Airen kay Zazan.

 

“Hindi eh. Bakit, ano ba meron sa combat practice?” Sambit muli ni Zazan.

*Eh di syempre maglalaban-laban tayo don, para malaman kung anong level-class ka nabibilang.” Sambit naman ni Kyle kay Zazan.

*Ahh! Pero kailangan pa ba talagang makipaglaban? Matagal ko na kasing alam kung anong level-class ako eh.” Sambit muli ni Zazan.

“Hindi official ang iyong level-class kung hindi ka sasali sa combat practice. Lahat kaya ng mythical shaman school ay ganon.” Sambit naman ni Ericka kay Zazan.

 

“Ganon ba?” Sambit muli ni Zazan.

 

“Oo! Ganon talaga yon!” Tugon naman ni Airen.

“Maiba ako, balita ko ay napalitan na daw si sir Driego.” Sambit naman ni Earl.

 

“Yun din ang narinig ko, pero hindi siguro totoo yon.” Sambit muli ni Ericka.

 

“Mamaya ay malalaman na’tin ang sagot sa mga yan.” Sambit naman ni Airen.

Ilang sandali pa ay dumating na si Ms. Unice, kaya naman natigil na sa pag-uusap ang magkakaibigan at nagbalikan na ang mga ito sa kani-kanilang mga upuan.

Samantala, sa loob naman class fire-3. Halos sabay pumasok ng kanilang classroom sila Lina at Carl. Batid ng iba na nagkataon lang ito, pero laking pagtataka ng magkakaibigan matapos makitang nag-uusap ang dalawa.

 

“Sa susunod ulit, Lina.” Masayang pagkakasambit ni Carl.

 

*Uhm! Sige.” Masayang pagkakatugon naman ni Lina.

Sa mga oras na ito ay naglakad na patungo sa kani-kanilang mga upuan ang dalawa. Samantala, hindi naman makapaniwala si Mark at sa ngayon ay napapaisip sa kung ano ba ang kaugnayan ni Lina dito kay Carl.

At nang makaupo na si Carl sa kaniyang upuan ay agad na siyang nilapitan ni Annie, dahil nasa likuran lang naman niya ito.

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon