A valentine's special: School of Myths X Charm Academy. Part 2

11.3K 243 43
                                    

Sa ngayon ay nagkaharap na sina Jett at si Rain. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay labis na nagtataka si Jett, dahil hindi man lang nasaktan at tila hindi naapektuhan ng apoy ang lalaking itake niya.

 

“No way! Papaanong hindi tinatablang ng apoy ni Jett ang guy na yon?!” Gulat na pagkakasambit ni Snow.

 

“Tulad ng sinabi niya ay hindi tinatablan ng apoy ang mga phoenix.” Sambit ni Anya.

Sandaling natahimik si Snow matapos marinig ang sinabi ni Anya at kalaunan ay napatitig kay Rain na kasalukuyan pa ring nag-aapoy.

 

“Mukhang may dugo kayo ng sorcerer at mukhang kulang kayo sa pagsasanay. Base sa apoy mo ay mukhang malakas ka, pero wala itong kwenta laban sa’kin kaya mas makakabuti kung aalis na lang kayo dito.” Sambit ni Rain.

 

*Tsk! Shit! Alam kong kayo ang dumakip kay Ariela, kaya ilabas nyo na siya!” Sigaw ni Jett.

 

“Jett, huminahon ka muna. Hayaan mo akong makipag-usap sa kaniya.” Sambit ni Anya.

Agad napatingin si Jett kay Anya at dito ay nakita niya ang sinseridad sa mga mata nito. Ilang sandali pa ay huminga siya ng malalim at kalaunan ay nagsalita.

 

“Okay, pero pag hindi naging maganda ang resulta ng pag-uusap nyo ay mapipilitan na akong gamitan sila ng dahas.” Sambit ni Jett.

 

*** SFX: PAAAAAAAAANK! ***

 

“Araaaay! Shit! Masakit yon!” Malakas na pagkakasambit ni Jett.

Mabilis napakamot sa kaniyang ulo si Jett matapos siyang kutusan ng malakas ni Snow.

 

“Pwede bang magtigil ka muna? Wala namang magandang naidudulot ang pagwawala mo, kaya mas makakabuti kung tumahimik ka muna ay hayaan kaming makipag-usap!” Sigaw ni Snow.

Matapos magsalita ay tinitigan siya ng masama ni Jett, kaya naman napaatras siya ng ilang hakbang at kalaunan ay napatago sa likod ni Collin.

“Tama si Snow, Jett. Cool ka lang dyan at alamin na’tin sa pakikipag-usap kung nagsasabi ba sila ng totoo.” Sambit ni Collin.

 

*Uhm! *Uhm! Tama si Collin!” Pagdudugtong ni Snow.

Napa-iling na lang si Jett matapos marinig si Collin at dito ay hinayaan na niya si Anya na makipag-usap.

 

“Rain, pasensya ka na sa mga naging kilos ng mga bago kong kaibigan, pero labis talaga silang nag-aalala para sa kanilang kaibigan.” Sambit ni Anya.

 

“Nauunawaan ko pero mukhang hindi na’min sila matutulungan, kung hihingin nyo ang tulong ko.” Tugon ni Rain.

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)Where stories live. Discover now