Extra Chapter: Side story - Chris Crescentmoon at Sai Kerberos

6.4K 186 4
                                    

July 01, CS242. Araw ng myerkules, sa loob ng class Lightning-3. Ilang minuto na lang bago magsimula ang klase ay sandaling nag-usap ang magkakaibigang: Eucy, Katherine at Thara.

“Totoo ba yung sinabi mo sa text kagabi?” Tanong ni Thara.

 

*Uhm! Hindi ko nga alam kung papaano ko siya kakausapin eh.” Tugon ni Katherine.

 

“Bakit? Hindi ba niya alam?” Tanong ni Eucy.

 

“Hindi ko rin alam eh, pero siguro alam na niya rin ang tungkol dito.” Sambit muli ni Katherine.

 

*Hmm.. Bakit ba kasi parang ang hirap namang lapitan at kausapin ni Chris.” Sambit ni Thara.

“Ganyan na siya mag mula pa nung mga bata kami. At nagagalit yan kapag tumatakas kami sa mga pagsasanay.” Sambit muli ni Katherine.

 

“Basta ang weird niya! Hindi ko alam kung ano ang mga iniisip ng lalaking yon!” Sambit muli ni Thara.

Ilang sandali pa ay dumating na ang kanilang guro, kaya agad na silang bumalik sa kani-kanilang mga upuan.

Kinatanghalian, mag-isang nagtungo si Chris sa campus cafeteria upang mag-lunch. At katulad ng dati ay tahimik lang siya at tila walang paki-alam sa kaniyang paligid habang naglalakad. Nang marating ay agad itong bumili ng kaniyang pagkain at kalaunan ay naghanap ng bakanteng pwesto. Masaya na sana ang tahimik niyang pagkain, ngunit may mga biglang dumating at kalaunan ay nagsalita.

 

“Okay lang ba kung maki-salo kami sa table?” Tanong ni Thara.

Tumingin lang si Chris kay Thara at ilang sandali pa ay muling ipinagpatuloy ang kaniyang pagkain. Labis naman itong ikinainis ni Thara dahil hindi siya pinansin nito.

 

“Bwisit talaga ‘tong lalakeng ‘to! *Grrrr!” Inis na pagkakasambit ni Thara.

Kahit walang nakuhang tugon sila Thara ay naki-salo pa rin sila sa lamesa kung saan kumakain si Chris. At dahil apat lang ang kasya sa naturang pwesto ay tumabi si Katherine dito.

*Umm.. Chris?” Sambit ni Katherine.

Hindi pinansin ni Chris si Katherine kahit katabi lang niya ito. Ipinagpatuloy lang niya ang kaniyang pagkain at ito ay labis na ikina-inis ni Thara.

*** SFX: TOOOOOOOOOOOOINKS! ***

Malakas na kinutusan ni Thara si Chris dahil hindi na niya napigil pa ang kaniyang sarili.

 

“Talagang inuubos mo ang pasensya ko! Wala ka ba talagang pakiramdam!?” Malakas na pagkakasambit ni Thara.

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)Where stories live. Discover now