Chapter 18: Mishia Crimson.

12.9K 274 28
                                    

Kinabukasan, July 06, CS242. Umaga ng araw na ito sa loob ng classroom ng class wind-3. Sa ngayon ay saktong kakapasok pa lang ni Eimi ng kanilang classroom. Agad niyang hinanap si Luke, pero wala pa ito dito.

“Wala pa pala si Luke.” Medyo malungkot na pagkakasambit ni Eimi.

Matapos magsalita ay nagsimula ng maglakad patungo sa kaniyang upuan si Eimi. At sa mga oras na ito ay hindi niya sinasadyang marinig ang pag-uusap nila David at Melisa, kaya naman nilapitan na niya ito para magtanong.

“David, Melisa.” Sambit ni Eimi.

Agad namang napalingon ang dalawa at kalaunan ay mabilis na tinugon si Eimi.

“Bakit, Eimi?” Tanong naman ni Melisa.

“Kaibigan nyo si Lina Gordania, diba?” Tanong ni Eimi.

*Uhm! Pero bakit mo naman na tanong?” Tugon naman ni Melisa.

“Tungkol kasi ito sa boyfriend niya..” Medyo mahinang pagkakasambit ni Eimi.

“Boyfriend?” Tanong naman ni Melisa.

“Si Rain ba ang tinutukoy mo?” Tanong naman ni David.

“Rain?” Tanong din ni Eimi.

*Uhm! Si Rain Esfalls, ang kaibigan na’min. Dalawang taon na din siyang nawawala.” Sambit muli ni David.

“Teka lang David, naging sila ba ni Lina? Hindi ba’t may pangako lang si Rain kay Lina nung mga bata pa sila?” Sambit naman ni Melisa kay David.

Sa mga sandaling ito ay hindi nagawang magsalita ni Eimi, dahil tugma sa mga narinig nito kay Lina na kinumpirma naman ni Luke ang mga sinabi ngayon nila David at Melisa.

“Ang pangako ba nung “Rain” na tinutukoy niya ay pakakasalan niya si Lina?” Tanong muli ni Eimi.

Sa pagkakataong ito ay sabay na napalingon sila David at Melisa kay Eimi.

“Oo, pero papaano mong nalaman ang bagay na yon?” Medyo gulat na pagkakatugon ni Melisa.

*Ahh.. Alam nyo kasi.. magkaibigan kami ni Lina, kaya naman nasabi niya ang bagay na yon sa’kin.” Tugon naman ni Eimi.

*Ahh! Kaya pala.” Sambit naman ni David.

“Pero maitanong ko lang, ang “Rain” ba na ‘to yung tinutukoy ni Aron Draken na kamukha ni Luke?” Tanong muli ni Eimi.

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon