Chapter 3: Sa pagbabalik ng mga Draken.

17.3K 359 36
  • Dedicated to Mics Sagun
                                    

June 18, CS242. Araw pa rin ng Hwebes. Hindi maalis sa isipan ni Lina ang mga sinabi ni Zazan sa kanila kanina, bago ito umalis sa special zone sa may cafeteria.

“Hindi na ako si Rain. Ako na si Zazan at matagal ng patay ang naging kaibigan nyo.” Mga salitang binitiwan ni Zazan, na hindi maalis-alis sa isipan ni Lina.

Sa ngayon ay halos patapos na ang huli nilang klase. Wala namang balak makipag-usap si Lina sa kaniyang mga kaibigan o pumunta sa kanilang “Secret classroom”, dahil nawala na naman ang dahilan niya upang gawin ang mga bagay na yon.

“Sana nga totoong ang mga sinabi ni David kanina. Sana posibleng bumalik ang mga dating alala ni Rain.” Sambit ni Lina derekta sa kaniyang isipan.

*** SFX: Beeeeeeeeeeeeep! Beeeeeeeeeeeeep! Beeeeeeeeeeeeep!  ***

Ilang sandali pa nga ay isang malakas na tunog ang kanilang narinig at ito ay ang senyales na tapos na ang lahat ng klase. Agad nag-ayos ng mga gamit ang mga istudyante at ilang sandali pa ay nakita na ni Lina na nagsama-sama ang kaniyang mga kaibigan. Inaya naman siya ni Selina na sumama sa kanila, pero katulad ng kalagian niyang ginagawa ay tinanggihan niya ito.

Nauna nang lumabas ng classroom si Lina at agad naglakad papauwi. Sa ngayon ay kasalukuyan siyang nakatira sa bahay nila Rain. Wala na kasi doon ang kaniyang master, dahil kasama ito ni Drake na nasa mundo ng mga tao at hinahanap ang naging reincarnation ni Rain.

Makalipas ang labing limang minutong paglalakad ay narating na ni Lina ang bahay. Sa pagpasok ay agad itong dumiretso sa kwarto ng kaniyang master, ito kasi ang ginagamit niyang kwarto at hindi ang kay Rain. Ibinilin kasi sa kaniya ng kaniyang master na gagamitin pa rin ni Rain ang kwartong yon sa oras na mahanap na nila ito, kaya ang kwarto na lang nito ang pansamantalang gamit niya.

Sa labis na pag-iisip ay hindi na namalayan ni Lina na nakatulog na pala siya. Gabi na ng magising siya at sa kaniyang pagbangon ay nakaramdaman siya ng gutom.

 

“Nakatulog pala ako. Ang mabuti pa ay makapagluto na para sa hapunan.” Sambit ni Lina.

Sa pagbukas ni Lina ng pinto ay laking gulat niya, dahil may naamoy siyang isang mabangong putahe.

 

“*Hmmm! Ang bango! Pero wait, pamilyar sa’kin ang amoy na ito ah! Master!?” Masayang pagkakasambit ni Lina.

Matapos magsalita ay dali-daling nagtungo si Lina sa may kusina at laking tuwa nito sa kaniyang nakita.

 

“Master! Nagbalik na po kayo!” Masayang pagkakasambit ni Lina.

 

*Oh.. Gising ka na pala, Lina!” Nakangiti namang pagkakasambit ni Rachelle.

 

*Ahh! Ikaw pala si Lina Gordania.” Sambit ng isang lalaki na nasa may sala.

Agad napatingin si Lina sa dereksyon kung saan niya narinig yung boses nung nagsalita at laking pagtataka, dahil hindi niya mga kilala ang mga nasa sala.

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)Where stories live. Discover now