Chapter 5: April Swatzron.

16K 349 36
                                    

Kasalukuyan ngayong papunta ang magkakaibigan sa bahay ni Annie at habang naglalakad ay masaya silang nag-uusap. Pero mga ilang hakbang pa ay may nakita silang isang babae na nakaharang sa kanilang dadaanan. Sandali silang napahinto nung makaharap na nila ito.

“Kayo pala ang mga naging kaklase ng kapatid ko.” Sambit ni April sa magkakaibigan.

*** April Swatzron. 25 years old, slim ang pangangatawan nasa 5’4 ang kaniyang taas, maputi ang kutis ng kaniyang balat, maganda at mahaba ang kaniyang itim na buhok at higit sa lahat may hinaharap. (If you know what I mean. :3) ***

Nagkatinginan naman ang magkakaibigan matapos marinig ang sinabi sa kanila ni April. Nagtataka silang lahat dahil wala silang ideya sa mga sinabi nito, kaya naman tinanong na ito ni Mark.

“Excuse me lang po, pero sino po ba kayo at sino po ang tinutukoy nyong kapatid?” Tanong ni Mark.

 

“Hindi na mahalaga kung sino man ako, pero ako ang nakakatandang kapatid ni June Swatzron.” Tugon ni April kay Mark.

Labis na nagulat ang magkakaibigan sa kanilang mga narinig at dito na sila biglang napaisip sa kung sino ba talaga ang babaeng nasa kanilang harapan ngayon.

 

“Kapatid ni June!? Pero solong anak lang siya, kaya imposible po ang sinasabi nyo.” Sambit muli ni Mark.

“Ate, kahit kung sino ka man at kung ano man ang pakay mo. Hindi po tamang gamitin nyo ang pangalan ng kaibigan na’min.” Sambit naman ni Annie.

Sa mga oras na ito ay hindi pa rin alam nila Selina ang mga nangyayari, dahil hindi naman nila alam ang tungkol sa pamilya ni June.

 

“Wait lang, papaano naman po kami maniniwala sa sinasabi mo, ate?” Sambit naman ni Selina.

“Wala akong paki-alam sa mga nais nyong sabihin o isipin sa’kin. Mabuti na lang at nabawi ko siya sa inyo, dahil hindi kayo karapat-dapat maging kaibigan ng kapatid ko.” Sambit muli ni April.

Sa mga oras na ito ay nagulat ang magkakaibigan matapos marinig ang mga sinabi nung babaeng nagpakilalang kapatid ni June.

“Ikaw!? Ikaw ang kumuha sa katawan ni June!?” Galit na pagkakasambit ni Mark.

“Wag kang mag-alala, nasa maayos na ang kalagayan ng kapatid ko at hindi na ako papayag na makita pa niya kayo.” Sambit muli ni April.

Biglang nagbago ang ihip ng hangin at ang kaninang masayang ekspresyon ng magkakaibigan ay napalitan ng galit. Sa mga sandaling ito ay agad ng inilabas ni Mark ang kaniyang Specral shard at mabilis na itunutok sa dereksyon kung nasaan si April.

 

“Saan mo dinala ang katawan ng kaibigan na’min?” Galit muling pagkakatanong ni Mark.

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)Where stories live. Discover now