Chapter 4: Sa ilalim ng katauhan ni Luke Ainsgate.

17K 372 64
                                    

June 19, CS242. Araw ng byernes at kasalukuyang lunch break sa Olympus university. Kahit hindi kasama ng magkakaibigan ang bagong reincarnation ni Rain ay masaya pa rin silang nagku-kwentuhan, kasama si Lina. Sa mga oras ding ito ay masayang kumakain sila Zazan, kasama ang mga bago nitong kaibigan.

Samantala, sa loob ng clinic. Pansamantalang iniwan nila Eimi at Krystine si Luke. Hindi pa sila kumakain ng tanghalian, kaya minabuti nilang kumain muna at bilhan na lang ng pagkain si Luke.

Nang makaalis na sila Eimi at Krystine ay bumangon na si Luke.

 

“Haaay salamat at umalis na din sila!” Sambit ni Luke.

 

“Kamusta ka na? *Fufufu.. Mukhang hindi yata maganda ang nangyayari sayo?” Nakangiting pagkakasambit ni Carl.

Agad napalingon si Luke sa may pinto ng clinic at doon ay nakita niya kung sino yung nagsalita.

“Mukhang ganong na nga.” Nakangiti ring pagkakasambit ni Luke.

Ilang sandali pa ay lumapit na nga si Carl kay Luke at kalaunan ay nagsalitang muli.

 

“Kamusta sila master Hades, Zenon?” Nakangiti muling pagkakasambit ni Carl.

“Okay naman sila, pansamantala silang nakatira sa underground basement ng bahay. Hindi ba’t alam mo na ang bagay na yon? *Hahaha! Teka, ikaw nga pala, kamusta naman ang mga kaibigan ko?” Nakangiti muling pagkakasambit ni Luke.

*Hmmm.. Mukhang masaya naman sila makasama. Yun nga lang, mukhang galit pa rin sa’kin yung kaibigan mong si Mark.” Sambit muli ni Carl.

*Hahaha! Sa totoo lang ay natalo ka talaga niya, napanood na’min ni Ms. Eclaire ang naging laban nyo, kaya alam ko ang tunay na nangyari sayo nung tinamaan ka niya nung huli niyang pag-atake.” Nakangiti muling pagkakasambit ni Luke.

*Hahaha! Inaamin kong natalo nga niya ako at salamat sa mga luha mo at napagaling agad ako non. Pero naging pabaya lang ako, kaya hindi na mauulit ang nangyaring yon. Hindi ko din inaasahan ang lakas at talino ni Mark, pagdating sa pakikipaglaban. Talagang napahanga niya ako.” Sambit muli ni Carl.

 

“Kahit ako din ay nagulat sa lakas na taglay niya ngayon. At kahit walang tulong nila master at ate ay mukhang na-master na din ni Mark ang limang elementong taglay niya.” Sambit muli ni Luke.

“Sa palagay ko ay tama ka nga. Maiba lang ako, ikaw ba ang nagpagaling sa mga pinsala niya nung araw na yon?” Sambit muli ni Carl.

*Uhm! Ako nga at salamat sa teleportation magic ni Ms. Eclaire, kaya ko nagawang painumin siya ng mga luha ko.” Tugon naman ni Luke.

 

*Kukukukuku.. Wag mong sabihing umiyak ka pa sa harapan niya nung makita mo siya?” Nang-iinis ang tono ng pagkakasambit ni Carl.

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)Where stories live. Discover now