Chapter 17: Pagbalik sa Odin city.

14K 294 21
                                    

July 04, CS242. Gabi na at sa ngayon ay halos kakatapos lang kumain ng magkakaibigan ng hapunan, kaya naman bumalik muna sila sa kwarto ni Alex.

 

“Whoa! Ang sarap talaga kumain! Nabusog ako don ah!” Sambit naman ni Aron.

 

“Ano pa ba ang aasahan na’ming lumabas sa bibig mo matapos mong kumain?” Medyo dismayado namang pagkakasambit ni Selina.

 

“Natutuwa ako at nagpapasalamat na dinalaw nyo ako dito. Mabuti pang dito na kayo magpalipas ng gabi dahil sobrang mapanganib nang dumaan sa gubat sa mga oras na ito.” Walang emosyong pagkakasambit ni Alex.

*Uhm! Maraming salamat Alex.” Nakangiti namang pagkakasambit ni Selina.

 

“Natutuwa na si Alex ng lagay na yon!?” Tanong ni Jigo derekta sa kaniyang isipan.

 

“May gusto din akong itanong sa inyo, papaano ako nakaligtas sa kamay ng Shadow fang?” Wala muling emosyong pagkakasambit ni Alex.

*Hmmm.. Tungkol sa bagay na yan ay hindi rin na’min alam kung anong klaseng kapangyarihan ang ginamit sayo nung matandang lalaking biglang lumabas.” Tugon naman ni Mark.

“Sa pagkakadinig ko ay master Corbel yung tinawag ni Zeren dun sa matandang lalaking yon. Sa tingin ko ay hindi lang siya basta isang mythical shaman.” Sambit naman ni David.

“Corbel din yung narinig kong sinabi nung kasama ni Carl.” Sambit naman ni Aron.

“Pasensya ka na Alex, tapos na kasi ang lahat nung nakarating kami. At nakita ka na lang na’ming walang malay na nakahiga, tapos napapalibutan pa ng mga halaman ang buo mong katawan. I think na ang mga halamang yon ang nagpapagaling sa mga sugat mo nung mga time na yon.” Sambit naman ni Annie.

 

“Ganon ba? Wala kasi akong naalala mag mula nung nagising ako eh.” Wala muling emosyong pagkakasambit ni Alex.

 

“By the way Alex, kailan ka nga pala nagising? Ang balita kasi na’min ay hindi ka pa nagkakamalay eh.” Sambit muli ni Annie.

 

“Oo nga! Yun din ang sabi sa’min ni Eimi.” Sambit naman ni Melisa.

“Kagabi lang ako nagkamalay at natuwa talaga ako kanina ng makarating sa’kin ang balita tungkol sa pagpunta nyo dito.” Wala muling emosyong pagkakasambit ni Alex.

 

“Seriously, natutuwa ba talaga siya?” Tanong muli ni Jigo derekta sa kaniyang isipan.

“Nakakainis nga at sa kaklase pa nila David kami nakikibalita tungkol sayo. Ang hirap naman kasing kausapin nung kaklase na’ting si Claudette eh. Lahat ba ng mga Civerb ganon?” Tanong muli ni Annie.

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)Where stories live. Discover now