FINAL CHAPTER

752 38 18
                                    


Few months later...



RITA'S POV





"Mommy, tikman mo po tong gawa ko." nakangiting banggit ni Athena at lumapit sakin para ipatikim ang ginawa niyang cookies.






Kumuha ako ng isa at tinikman iyon.








"Hmm!! Masarap anak. Good job!" nakangiting banggit ko at nakipag-apir sa kaniya.





"Idadagdag ko po 'to sa ireregalo ko kay Apollo sa birthday niya next week." masayang banggit niya kaya napangiti din ako.








Ilang buwan na nung umalis kami ni Athena sa Mansion. Madalas naman siyang pinupuntahan ni Apollo dito after school kaya nakakasama ko rin ang bunso ko. Kapag naman Friday night hanggang Sunday ay siya naman ang pumupunta kila Ken para makabonding din ang daddy niya. Sinusundo siya dito ng tauhan ni Ken para dalhin sa Mansion.








Naging tahimik rin naman ang buhay namin kahit magkakalayo kami. Naka-adjust din naman agad ang mga bata sa bagong set-up namin. At hindi ko naman sila naringgan ng reklamo sa naging schedule namin.





"Mommy, pupunta naman po kayo sa birthday party ni Apollo sa mansion next week, di ba po?" nakangiting tanong ni Athena.




"Oo anak." nakangiting banggit ko habang hinahalo ang ingredients sa cupcake na ginagawa ko. "Gagawan natin siya ng cake." masayang banggit ko.











"For sure matutuwa po iyon. Makikita niyo na rin po uli si daddy." panunukso niya dahilan para mailing na lang ako habang nakangiti.











Oo. Mula nung umalis kami sa Mansion, hindi na kami uli nagkita ni Ken. Nakakabalita lang ako sa kaniya kila Athena kapag nagkukwento siya. Sabi niya okay naman daw ang daddy nila at busy pa rin sa trabaho nito.





"Mommy, magpaayos po tayo ng buhok ngayong week. Kailangan kapag nakita ka po uli ni daddy, mauuntog na po siya at makikipag-ayos na po sa inyo." nakangiting banggit niya na ikinatawa ko.

"Anak, hayaan mo muna ang daddy mo. Mas okay naman kami na ganito tayo, di ba?" nakangiting banggit ko.





"Pero mas okay po kayo nung magkasama kayo. Kaya sige na mommy, please.. magpagupit po tayo ngayong week. Magpa-dye ka rin ng hair mommy para magulat si daddy kapag nakita ka niya uli. Malamang na mas magagandahan lalo sayo yun... please." pagmamakaawa niya with matching pagdikit pa ng mga palad niyang nakadikit sa baba niya at nagpa-cute pa.




Natawa naman ako sa itsura ng anak ko. Ang cute-cute niya kasi sa itsura niyang 'yun, haha..




"Sige na, sige na.." pagsuko ko habang nakangiti.





"Yehey!! I love you, mommy!!" banggit niya't bigla na lang ibinaba ang hawak niyang tray at tumakbo papunta sa sala.




Nagtaka man ay natawa na lang ako sa ginawa ng anak ko. Tinanaw ko na lang siya sa sala mula dito sa kusina. Mukhang tinawagan niya si Apollo dahil narinig ko ang pagtawag niya sa kapatid niya.

----------------------------

After naming magdinner ay napagdesisyunan namin ni Athena na manood muna ng movie sa kwarto niya. Nakagawian na namin yun kapag hindi pa kami inaantok. Minsan naman ay sa kwarto ko kami nagba-bonding.






My Detrimental Lover 2: The Lost AngelWhere stories live. Discover now