Chapter 64

325 26 0
                                    

KEN'S POV








Mabilis na inayos ni Benjie ang discharge paper ko para makaalis na agad ako dito sa hospital. Kaya ko na rin naman dahil nakapagpahinga na ko ng matagal kanina. Tinawagan ko na rin si Chard para matulungan akong magsampa ng kaso kay Nicolette. May mga hawak kaming ebidensiya na magtuturo sa kaniya sa mga krimen na ginawa niya kaya madali na para samin ang makasuhan siya.












Binanggit sakin ni Benjie ang iniutos sa kaniya ni Tata kagabi para mapaghigantihan si Nicolette pero hindi ko pinayagan iyon. Hindi ko hahayaang makasuhan din siya sa binalak niya.







Malamang na galit na galit 'yun kahapon kaya niya naisip 'yun. Na sa kagustuhan lang niya na ipaghiganti ang ginawa sakin ay nagdesisyon na lang siya ng hindi iniisip ang pwedeng maging kahinatnan nun sa kaniya.













Agad akong kumatok sa pinto ng office ni Nicolette nung makarating ako dito sa building ng company niya. Hapon na kaya pauwi na rin ang mga empleyado niya kaya mabilis lang kaming nakarating sa office niya.
















Pagbukas ng pinto ay nagulat pa siya na makita ako.









"O Ken, what brings you here? Okay ka na??" nakangiting banggit niya.








Hindi ko siya sinagot at nakita ko kung gaano siya nagulat nung makita niya ang mga pulis na malamang na nakapasok na dito sa loob ng opisina niya. Mukhang hindi talaga siya na-radyo-han nung mga body guards sa baba dahil gulat na gulat siya sa pagdating ng mga pulis.










Tinakot din kasi namin sila na kapag may nagsumbong sa kanila na may kasama kaming pulis ay idadamay namin sila sa kaso, kaya malamang na walang nagtimbre sa kanila na papunta kami sa office niya.








"Wait... What's this?" takang tanong niya. "Bakit may kasama kang mga pulis?" tanong niya.







Kinuha ko ang envelope na dala ko at inihagis iyon sa table niya.









"Alam kong ikaw ang nagpasunog ng warehouse namin sa Bicol, ikaw din ang nagpakuha ng litrato nung pumunta si Tata kila Aldrin, ang naglagay ng pampatulog sa iniinom ko nung nasa bar tayo sa Bicol, at ang lumason sakin sa hospital." matigas na banggit ko sa kaniya.











"What?! Hahaha. Wait, are you out of your mind?? Haha. Bakit sakin mo ibinibintang ang mga 'yon?? C'mon Ken, you know m--" natatawang tanong niya.











"Nasa loob ng envelope na yan ang mga ebidensiya, Nicolette Buenavides... or should I say Sophia Nicolette De Villa-Buenavides!" mariing banggit ko. "Hindi mo na mabibilog ang ulo ko Nicolette.. Tigilan mo na ang pagpapanggap mo!" galit na banggit ko na ikinatawa niya lalo.








"Whoah!! Hahahaha. Oh my gosh, nahalungkat mo pa rin ang background ko kahit pinabura ko na 'yon? Hahaha. Wow. I'm amazed." natatawang banggit niya.









Nilapitan siya nung mga pulis pero mabilis siyang nakapang-agaw ng baril at agad iyong itinutok sa akin.











Bigla ay naglabas din ng mga baril ang mga pulis, maging si Benjie at ang mga tauhang kasama namin at itinutok iyon kay Nicolette.













My Detrimental Lover 2: The Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon