Chapter 24

635 39 36
                                    


RITA'S POV




Madaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog dahil sa nangyari kanina. Sobra kong nasaktan si Ken at binabagabag talaga ako nun. Hindi ko magawang matulog dahil sa pag-aalala sa kaniya. Lalo na't hindi na siya bumalik dito sa kwarto matapos niyang masabi ang mga sinabi niya kanina.









Saan kaya siya natulog?







Nung hindi na ko makatiis ay tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Benjie na papunta sa kung saan man dito sa taas.








"Ma'am, bakit gising pa po kayo?" magalang na tanong niya nung makita niya ko. May hawak-hawak siyang palanggana na may lamang tubig. Tingin ko ay dadalhin niya iyon kay Ken.









"Para yan kay Ken?" mahinang tanong ko.









"Opo ma'am." banggit niya. "Madaling araw na po. Magpahinga na po kayo." magalang na banggit niya at naglakad na uli.










Imbis na sundin siya ay sinundan ko pa siya hanggang sa makarating siya sa isa sa mga guest room dito.









Nakita kong nakahiga na sa kama si Ken at mukhang lasing na lasing. Baka nag-inom pa siya uli matapos nung pag-uusap namin.








"Okay lang ba siya?" tanong ko dahilan para tignan ako ni Benjie.










"Marami lang po siyang nainom ma'am. Matulog na po kayo. Ako na pong bahalang mag-asikaso kay sir." banggit niya.






"Ayos lang ba kung ako na lang ang mag-aasikaso sa kaniya?" tanong ko habang nakatingin kay Ken na nasa kama.






"Ma'am, baka po mapuyat pa po kayo lalo. Ako na lang pong bahalang-"









"Ako ang dahilan kung bakit siya nagkaganyan di ba? Ako ang dahilan kung bakit nilunod niya ang sarili niya sa alak kaya hayaan mo na kong asikasuhin siya." banggit ko habang nakatingin pa rin kay Ken.








"Ma'am, magagalit po si sir kapag nalaman niyang gising pa po kayo hanggang ngayon."









"Asawa niya ko, Benjie." banggit ko na ikinatitig niya sakin.









Alam kong nagulat siya sa sinabi ko. Ako rin naman eh. Nabigla din ako sa sarili ko nung sabihin ko 'yon. Ngayon ko lang nasabi ang mga katagang yun na para bang tanggap na tanggap kong asawa nga niya ko. At wala akong naramdamang pagsisisi nung mabanggit ko ang mga katagang iyon.






Ang totoo, nakakapanibago man pero nakaramdam ako ng kakaiba sa puso ko nang masabi ko iyon. Parang biglang guminhawa ang pakiramdam ko dahil don.







"Ako ang dapat mag-alaga sa kaniya. Responsibilidad ko yon bilang asawa niya." banggit ko na ikinangiti niya.






"Kung yan po ang gusto niyo ma'am." aniya at naglakad na palapit sa kama ni Ken para ipatong ang dala-dala niyang palanggana.







Sumunod naman ako sa kaniya at umupo sa kama'ng kinahihigaan ngayon ni Ken.








"Kung may kailangan pa po kayo nan-"









My Detrimental Lover 2: The Lost AngelWhere stories live. Discover now