Chapter 19

495 30 16
                                    


KEN'S POV







Katatapos ko lang magshower nung mapansin ko si Rita sa terrace ng kwarto namin.






Lumapit ako sa kaniya at pinagmasdan siya. Mukhang malalim ang iniisip niya.






Mahigit isang linggo na siya dito pero parang wala pa rin siyang naaalala tungkol samin. Kahit ilang videos at pictures na ang ipinakita namin sa kaniya, wala pa ring progress sa kaniya. Siguro dala na rin nung walong taong nagdaan kaya halos hindi na rin niya maalala ang mga nangyari noon lalo na't may mga bago na siyang alaala.








"Anong iniisip mo?" tanong ko dahilan para tignan niya ko.












"Wala naman. Gusto ko lang talagang magpahangin dito." banggit niya.











"Halika na, magpahinga na tayo." banggit ko.








Tumango naman siya at naglakad na rin papasok sa kwarto namin.









Sumampa siya sa kama at agad humiga. Itinabing niya sa katawan niya ang kumot at tumalikod na sakin.








Oo, ganyan na siya matulog. Lagi siyang nakatalikod sakin. Hindi pa rin siya palagay na magkatabi kami matulog.








Sumampa din ako sa kama at hinalikan ang sentido niya.








Nagulat siya sa ginawa ko kaya napatingin siya sakin.








"Para saan yun?" tanong niya.







Ngumiti ako.








"Gusto ko lang mag good night." banggit ko at ngumiti sa kaniya.








"Madalas mong ginagawa sakin yun?" tanong niya.








"Yung halik sa sentido?" tanong ko.









Tumango naman siya.








"Oo. Madalas kitang halikan noon lalo na kapag maggu-good night ako sayo." tipid ang ngiting banggit ko. "Kung hindi sa ulo, sa tungki ng ilong, sa noo, o sa labi... sa sentido kita hinahalikan dati. Bakit?" tanong ko.









Umupo siya.







"Madalas ko kasi mapanaginipan noon na may humahalik sa sentido ko. Inakala kong si Aldrin yun kasi siya yung alam kong asawa ko, pero hindi pa niya nagawa sakin yun sa walong taon na pagsasama namin." banggit niya.







"Ibig sabihin, may mga mumunting alaalang bumabalik sayo nang hindi mo lang namamalayan." banggit ko at hinawakan ang kamay niya. "May pag-asa pang maibalik natin yung mga alaala mo." nakangiting banggit ko. "Baka pwede kong gawin uli yung mga madalas kong ginagawa sayo. Baka sakaling napanaginipan mo na rin yung mga yun noon." banggit ko.











"Alin?" tanong niya.








"Madalas kitang yakapin mula sa likod noon. Yung baba ko, madalas kong ipatong sa balikat mo. Parang ganito." banggit ko at pumunta sa likod niya. "Niyayakap kita nang paganito noon." banggit ko at niyakap siya mula sa likod. "Tapos, ilalagay ko yung baba ko sa balikat mo." mahinang banggit ko at ipinatong ang baba ko sa balikat niya. "Ganito ang ginagawa ko sayo noon kapag naglalambing ako." banggit ko at napapikit nung magawa ko uli to. Mas niyakap ko pa siya para mas magkalapit kami.









My Detrimental Lover 2: The Lost AngelWhere stories live. Discover now