Chapter 16

412 31 42
                                    


KEN'S POV





"Sir." banggit ni Benjie at lumapit sakin. "Nandito na po yung kuha nang CCTV malapit dun sa puno kung saan bumangga ang kotse ni Ma'am Rita." banggit niya at ibinigay sakin ang isang flashdrive.





Agad kong pinanood iyon sa laptop ko. Nakita ko kung paanong iniwasan ni Tata yung kasalubong niyang sasakyan at kung gaano naging kalakas ang pagkabangga niya dun sa puno.







Naikuyom ko ang kamao ko nung mapanood ko iyon. Parang biglang bumalik sakin yung sakit nang malaman kong namatay ang asawa ko!




Napansin ko ang isang sasakyan na biglang huminto malapit sa sasakyan ni Rita. Lumabas doon ang isang tao para tulungan si Tata na makaalis sa kotse niya. Yun yung tatay nung Mindy!! Ibig sabihin... Si Tata nga talaga yung Myrille na tinutukoy niya!!









Parang mas nadagdagan ang galit ko dahil don.







Hayop na lalaking yon!! Oo tinulungan niya ang asawa ko, pero itinago naman niya siya!! Ngayon, halos hindi na niya ko makilala!! Malamang na may nangyari kay Rita. Sa lakas nang pagkakabangga niya ay baka nawalan siya nang alaala kaya hindi siya nakabalik samin!!









Napatingin ako uli sa clip na yun nung ilang minuto lang pagkaalis nila Tata ay may isang babaeng pumasok nang kotse ni Rita at siya ang naabutan sa pagsabog nang kotse niya!







Ibig sabihin... ibang tao ang namatay nung araw na yun! Hindi si Rita ang nasa urn sa kwarto namin!!









"Benjie, ipahalungkat mo lahat nang mga impormasyong kailangan kong malaman sa pamilyang kinaroroonan ngayon ni Tata. Ayokong matapos ang araw na to na hindi ko nakakausap uli ang lalaking yun! Kailangan kong mabawi ang asawa ko sa kaniya sa lalong madaling panahon!" banggit ko.







"Yes sir." sambit niya at muli nang lumabas nang office ko.








Hindi ko hahayaang patuloy niyang paniwalain ang asawa ko sa pagkatao na hindi naman talaga sa kaniya! Ibabalik ko samin si Rita! Ibabalik ko siya sa pamilya namin!







------------------------------


Madilim na sa labas nung dumating si Aldrin dito sa office ko. Siya yung tatay nung Mindy at ang may hawak kay Tata ngayon.







Ipinatawag ko siya dahil gusto kong maliwanagan siya sa sitwasyon! Nasa kaniya ang asawa ko at babawiin ko siya sa kaniya kahit tumutol pa siya!! Ako ang may karapatan kay Tata! AKO LANG!!







Inilagay ko sa harap niya ang lahat nang mga dokumentong nagpapatunay na ako ang legal na asawa ni Rita!









"Ano ba talagang kailangan mo Mr. Chan?" tanong niya.







"Alam mo kung ano ang kailangan ko! Ibalik mo sakin ang asawa ko!" mariin kong banggit sa kaniya.







"Nagkakamali ka lang, Mr. Chan. Hindi siya yung babaeng tinutukoy mo! Hindi siya si Ri-"








"Siya ang asawa ko, Aldrin!" at inihagis sa mesa niya ang isa pang envelope. "Laman niyan ang lahat nang mga information na nagpapatunay na si Rita ang tinatawag mong Myrille! Hayop ka! Walong taon mong tinago ang asawa ko! Walong taong nagdusa ang pamilya namin dahil sayo!!" galit kong sigaw sa kaniya.








My Detrimental Lover 2: The Lost AngelWhere stories live. Discover now