Chapter 42

356 31 37
                                    

KEN'S POV







Pagdating ko sa school nila Athena ay nalaman ko na nagising na si Franz. Nakausap na daw nila ang mommy niya at nabanggit na sa kanila ang totoong nangyari sa bata.







Mas tumindi ang galit ko nung malaman kong si Athena talaga ang target nung taong 'yon. Na kung hindi dahil kay Franz ay baka ang anak ko ang nakaratay ngayon sa hospital!








Nasabi sa kanila na lalaki ang humataw kay Franz pero hindi niya nakilala kung sino ang taong yun kaya iniimbestigahan pa uli nila ang nangyaring yun.









Nag-request ako kay Mrs Umali na makausap si Mindy patungkol dun sa video na kagagawan niya. Pero hindi niya ko hinayaang makausap siya dahil wala naman daw akong ebidensiya sa mga sinasabi ko.





Oo nga pala! Bakit nga ba hindi ko nakuha kay Nicolette ang mga proof na nakuha niya?! Kita ko sa kaniya na sigurado siya sa mga sinabi niya kanina at alam kong hindi niya sasabihin yun kung wala siyang nakalap na ebidensiya kaya walang duda na si Mindy nga ang nagpakalat ng video na yun ng anak ko!








Tatawagan ko na sana siya nung biglang bumukas ng pinto at iniluwa si Nicolette.











"Kailangan mo ko?" nakangiting tanong niya at itinaas ang hawak niyang mga files na naglalaman malamang nung mga ebidensya na magdidiin kay Mindy.












"I was about to call you para sana diyan." banggit ko dahilan para ngumiti siya.










"Dapat pala nagpa-late pa ko ng ilang minuto, haha. Don't worry. Kumpleto ang lahat ng mga kailangan nila dito para mapatunayan na si Mindy San Agustin ang nagpakalat ng video ni Athena. Nandiyan na rin ang confession nung lalaking nag-cut at nag-upload nung video sa kung sino ang nagbayad sa kaniya para gawin yun." banggit niya at ibinigay kay Mrs. Umali ang mga dokumento at umupo sa upuan malapit sakin.









"Thank you." banggit ko at tinignan siya.








Ibinaba niya ang salamin niya at sinilip ako.









"No problem, friend." nakangiting banggit niya at kumindat pa sakin kaya nailing na lang ako.








Malaking tulong talaga si Nicolette sakin ngayon. Sobrang laking bagay ang nagawa niya para sa anak ko. Hindi magiging ganito kabilis ang paghahalungkat sa pinagmulan ng video na yun kung hindi dahil sa kaniya.








Pinag-aralan nilang maigi ang mga ebidensiya at nagulat na pati ang orihinal na video ay nandoon. Kopya daw iyon nung nag-cut nung video.









Kitang-kita doon kung paanong ipinagtanggol pa ni Athena si Mindy dun sa matandang yun! Ang kawawang anak ko naman ay nabiktima ng taong akala niya ay tunay sa kaniya!!









Hindi ko mapigilan ang pag-init ng ulo ko dahil kahit sinong magulang magagalit sa tuwing naaalala kung gaano binago ng video na yun ang imahe ng anak ko!! Hinusgahan siya ng mga tao kahit hindi nila alam ang totoong nangyari! Binantaan nila ang buhay niya at sinumpa na mapunta na siya sa impyerno dahil sa ginawa niya daw sa matandang iyon! Nakakanginig talaga ng laman malaman yun!!








Kaya hinding-hindi ko mapapalampas ang ginawa niyang to sa anak ko! Kung hindi gagawa ng tamang aksyon ang school sa nangyari sa anak ko ay ako mismo ang hahanap ng paraan para mabigyan ng hustisya ang kasalanan niya sa anak ko!













My Detrimental Lover 2: The Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon