Chapter 40

478 32 6
                                    

RITA'S POV







Nagising ako kinabukasan na tulog pa rin si Ken sa tabi ko. Nakayakap pa rin siya sakin at mukhang napakahimbing ng tulog niya.












Dahan-dahan kong inalis ang braso niya sa bewang ko at lumayo ng konti sa kaniya para mas matitigan siya.










Gwapo talaga siya. Parang ang sarap-sarap paglaruan ng mata niya. Parang kahit pagtulog niya mararamdaman mong magaan ang pakiramdam niya.











Hinaplos ko nang magaan ang mata at kilay niya gamit ang index finger ko. Napangiti ako nung gumalaw ng konti ang kilay niya pero hindi naman siya nagising. Sunod ko namang hinaplos ang ilong niya pababa sa labi niya. Mamula-mula ang mga iyon.


















Hindi ko alam kung ilang beses kong nahalikan ang mga labi niya kagabi pero hinding-hindi ako magsasawang halikan iyon dahil nagagawa niyang iparamdam na espesyal ako gamit lang ang mga yon.












Ngumiti ako at iniunan ang kamay ko habang patuloy siyang pinagmamasdang matulog. Masaya ko na naamin ko na sa sarili ko at sa kaniya yung nararamdaman ko. Hindi naman kasi siya mahirap mahalin dahil bigay todo siya magmahal. Hindi ka magsisisi dahil patuloy niyang ipapakita at ipararamdam sayo kung gaano ka kahalaga sa kaniya.











Parang na-curious tuloy ako sa kung ano kaya ang pakiramdam ko noon kapag tinititigan ko siya? Ganito rin kaya ako kasaya noon? Madalas ko rin kaya siyang pagmasdan kapag natutulog siya dati? Kasi... aaminin kong kahit tulog siya, parang kinikiliti ang puso ko sa kilig dahil katabi ko siya.













Gumalaw siya at nagmulat kaya naabutan niya akong nakangiti habang pinagmamasdan siya.












"Good morning." nakangiting bati ko dahilan para ngumiti siya at lumapit sakin.














Isinuot niya ang braso niya sa leeg ko para mayakap ako.












"Good morning, Love." banggit niya at dinampian ako ng halik sa labi. "Ang ganda naman ng umaga ko. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon." banggit niya dahilan para tignan ko siya.












Nakangiti siya at mukhang maganda talaga ang gising niya.













"Paanong magaan?" takang tanong ko.












"Ewan, basta ang gaan ng pakiramdam ko ngayon." nakangiting banggit niya at hinalikan ang noo ko. "Siguro kasi alam ko nang mahal mo na rin ako." banggit niya na mas nakapagpangiti sa kaniya.










Napangiti din tuloy ako at yumakap din sa kaniya. Itinaas ko ang ulo ko at hinalikan ang tungki ng ilong niya't muling ngumiti.











"I love you." nakangiting banggit ko dahilan para mas lumawak ang pagkakangiti niya.










"I love you more, Love." nakangiting banggit niya.











"I love you most." nakangiting sambit ko.










"I love you more than most." sincere niyang sabi dahilan para mas kiligin ako.







My Detrimental Lover 2: The Lost AngelWhere stories live. Discover now