Chapter 37

441 34 9
                                    

ATHENA'S POV







Pagdating pa lang namin sa school ay kakaiba na agad ang bumungad samin. May mga estudyante na masama na agad ang tingin sakin nung lumabas pa lang ako ng kotse.










Kung anu-ano na agad ang sinasabi nila kahit hindi pa naman nila alam ang mga nangyari kahapon. Paniwalang-paniwala talaga sila na ako talaga ang gumawa nun kay Franz.














"Miss, huwag mo na lang po silang pansinin." banggit ni Jasper na kasabay kong maglakad ngayon.













Tumango na lang ako. Malaki ang kasalanan ko rin kay Jasper dahil naging close-minded ako sa paliwanag niya. Hindi ko pinakinggan ang paghingi niya ng tawad sa mga nagawa niya. Hindi rin naman niya inasahan na hindi pala maganda ang nagawa niya noon dahil maganda naman ang hangarin niya.












Nangako na siyang hindi na niya uulitin iyon kaya naniniwala akong hindi na niya talaga gagawin yun. Kahit mahigit isang linggo ko soyang hindi pinansin, hindi pa rin nagbabago ang tingin niya sakin. Isa pa rin siya sa nga masasandalan ko ngayong nagkaka-problema ako.










"Woah! Iba talaga ang nagagawa ng pera noh? Akalain niyong napapasok pa rin yung kriminal dito sa school." banggit nung isang higher year.














"Di ba dapat expelled na yan. Grabe kaya yung ginawa niya dun sa kaklase niya. Kawawa kaya yun. Malamang na inoperahan yun." banggit nung kasama niya.











"E alam mo naman ang nagagawa ng pera. Nababaliktad niya ang katotohanan. Malamang na binayaran niyan ang school para papasukin pa rin siya." banggit nung isa pa. "Baka nga kaya yan nagiging top 1 kasi dahil sa pera haha. Binabayaran ang mga teachers." natatawang pang-iinsulto din nung kasama nila.












Nung mapansin kong lilingunin sila ni Jasper ay agad ko na siyang hinila palayo doon.











"Bakit mo agad ako hinila paalis, Miss? Pagsasabihan ko pa sana yung mga babaeng yun sa mga sinasabi nila sayo! Grabe makapamintang sayo! Akala mo kung sino sila!" inis niyang banggit.













"Hayaan mo na lang. Baka mapahamak ka pa." mahinang banggit ko.











"Okay nang mapahamak ako Miss basta alam kong napagtanggol kita sa mga ganung makikitid ang isip! Mga mabilis maniwala sa sabi-sabi lang! Kainis!" banggit niya na nakasalubong na ang kilay dahil sa inis na nararamdaman niya.













"Hayaan mo na lang, Jasper. Huwag mo nang palakihin pa lalo yung problema. Malalaman din naman nila yung totoo eh. Lalabas din na wala akong gi awang masama kay Franz." mahinang banggit ko. "Kamusta na kaya siya? Sana okay lang siya. Sana hindi naman masyadong malala yung lagay niya." nag-aalalang banggit ko.










"Sana po makakuha na tayo ng balita tungkol sa lagay niya ngayong araw. Para din mapatunayan niya na hindi ikaw ang may gawa nun sa kaniya." banggit niya.












"Sana nga." aniko at tumungo.









Dumaan kami sa guidance office para kitain si Mrs. Umali. Binanggit ko sa kaniya na aakyat na ko sa library dahil dun muna ako magsstay katulad ng sabi ni Mr. Rodrigo kahapon. Sinamahan niya kami paakyat doon at ibinilin ako kay Mrs. Lopez, ang librarian namin. Ang sabi niya meron daw ipagagawa sakin ang mga teachers ko habang nandito ko sa library kaya hindi ako dapat tumambay lang dito.












My Detrimental Lover 2: The Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon