Chapter 9

311 24 6
                                    


KEN'S POV







Nakaupo ako sa lapag dito sa kwarto namin habang umiinom nang alak. Ngayong wala na si Tata dito, feeling ko sobrang lawak uli nang kwartong to. Mahigit isang linggo pa lang mula nung mamatay siya pero parang daang taon na ang lumipas sa buhay ko. Bawat minuto naiisip ko siya. Bawat segundo, namimiss ko siya.








Napansin ko ang wedding photo namin. Napangiti ako habang patuloy na naglalandasan ang mga luha sa mata ko.








"Ang daya mo, Love. Noon,  umalis ako pero iniwanan kita nang video. Sinabi ko sayo kung gaano kita kamahal don, di ba? Para kahit magkalayo tayo, alam mo at ramdam mong mahal na mahal kita." nakangiting banggit ko habang lumuluha. "Pero bakit ikaw, wala kang iniwan para sakin? Sana kahit simpleng note lang love. Kahit isang simpleng note lang na pwede kong basahin sa tuwing namimiss kita." umiiyak kong sabi at uminom uli. "Love, ano ba talagang ginawa ko para lagi na lang akong parusahan nang ganito? Bakit lagi na lang akong nasasaktan nang ganito?" umiiyak kong tanong. "Kailangan pa kita, Ta. Kailangan ka pa namin." umiiyak kong sabi at tumungo.










"Daddy..."









Napatingin ako sa pinto nang kwarto ko nung marinig ko iyon.









"Anong ginagawa mo dito?" hindi ko talaga mapigil ang galit ko kapag nakikita ko siya. Siya ang dahilan sa pagkawala ni Tata. Siya ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang buhay namin!










"Daddy, pinuntahan po kita kasi hindi ka pa po kumakain." banggit niya na may dala-dalang pagkain.










"Umalis ka dito! Hindi ko kailangan nang dala mo!!" sigaw ko sa kaniya.








"Pero daddy..."







Inihagis ko malapit sa kaniya yung baso ko dahilan para mabitawan niya yung dala niya.







"UMALIS KA DITO!! ALIS!!" sigaw ko.









"Sir." banggit ni Gina at nagulat nung makita yung bubog malapit kay Athena.







Agad niyang kinuha si Athena.







"Di ba Gina sabi ko, ayokong makita ang batang yan?" mariin kong banggit sa kaniya.








"Sir, nag-aalala lang naman po yung bata sa inyo." banggit niya.








"Wala akong pakialam! Ialis mo yang batang yan dito! Huwag na huwag mo na siyang papapasukin dito sa kwarto kung ayaw mong mawalan nang trabaho!!" sigaw ko.







Pumasok din nang kwarto si Benjie.








"Sir, hanggang kailan niyo gagawin to sa sarili niyo?" tanong niya.





Ha! At may lakas na siya nang loob na sabihan ako nang ganyan?!










"Gina, ilabas mo na muna yung bata." banggit niya na agad namang sinunod ni Gina.








Tumayo ako at napahawak agad sa table ko dahil muntik na kong matumba.









"Nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin sir? Ilang linggo pa ba ang dapat magdaan para iayos niyo uli ang buhay niyo?" tanong niya.











My Detrimental Lover 2: The Lost AngelWhere stories live. Discover now