Chapter 45

357 31 10
                                    

RITA'S POV




Naging kakaiba ang ambiance ng pag-aagahan namin kanina dahil kitang-kita kay Athena na hindi maganda ang pakiramdam niya. Naging tahimik siya at ramdam mo talagang may dinaramdam.





Sinubukan siyang kausapin ni Apollo pero tipid na ngiti lang ang isinasagot niya sa kapatid niya. Kaya sinabihan ko na lang ang bunso namin na tapusin na ang pag kain niya para hindi na rin niya kulitin si Athena.





After niya ring kumain ay agad na siyang bumalik sa kwarto niya para daw magpahinga. Pupuntahan pa sana siya ni Ken pero sinabi kong hayaan na munang mag-isa ang bata at ako na ang bahalang kumausap mamaya. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko nagdaan na rin ako sa ganung pakiramdam. Parang meron na ring mahahalagang tao sa buhay ko na nawala. Hindi ko alam kung tama tong pakiramdam ko, basta naiintindihan ko si Athena kung bakit siya nasasaktan sa pagkawala ng isang mahalagang tao sa buhay niya.







"Love." tawag niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.






"Ha?" tanong ko dahil mukhang kanina pa niya ko tinatawag.








"Okay ka lang ba? Bakit nakatulala ka?" tanong niya habang nagsusuot ng polo niya.






"May naisip lang ako." banggit ko at muli ng tinuloy ang pagtuyo ng buhok ko gamit ang tuwalya. Katatapos lang kasi naming maligo. Nagbibihis na siya pampasok samantalang ako ay nakapambahay na.





















Habang tinutuyo ko ang buhok ko ay biglang sumagi sa isip ko yung sinabi ni Athena na gusto niyang puntahan si Franz. Alam na kaya ni Ken kung saan siya ibuburol?










"Love, alam mo na ba kung saan ibuburol si Franz?" tanong ko nung muli ko siyang tignan at itigil ang ginagawa ko sa buhok ko.





"Hindi pa. Babalitaan kita mamaya kapag na-contact ko na uli yung parents niya." banggit niya habang sinusuot yung tie niya. "Hindi ko alam kung paano ko pasasalamatan ang batang 'yon. Ni hindi ko siya nakausap ng personal para pasalamatan siya sa ginawa niya para kay Athena. Kung hindi niya ginawa iyon malamang na tayo yung nawalan ng anak ngayon. Malamang na tayo yung naghihinagpis ngayon." sambit niya at tumingin sakin nung matapos siya sa pagsusuot ng tie niya. "Kaya babalik ako ng school nila mamaya. Titignan ko kung anong maitutulong ko sa imbestigasyon nila. Hinding-hindi ako titigil hangga't hindi siya nabibigyan ng hustisya sa nangyari sa kaniya. Hindi ko ipagsasawalang-bahala ang kasong to kahit menor de edad ang gumawa nito sa kaniya." dagdag niya at bumuntong-hininga.










"E kay Mindy? Anong magiging aksyon mo sa ginawa niya kay Athena?" tanong ko.










Hindi ko talaga akalaing magagawa niya yun kay Athena. Ang akala ko ay okay na silang dalawa. Ang akala ko, magkaibigan na talaga silang dalawa. Nagkamali pala kami. Kasi may galit pa rin pala si Mindy sa kaniya.











Hindi ko na makita yung batang pinalaki ko noon. Hindi ko akalaing hahantong sa ganun ang galit niya kay Athena. Bigla ay parang hindi ko na siya kilala. O, nakilala ko nga ba talaga siya ng lubos noon? Kilala ko nga ba talaga yung batang pinalaki ko dati?











"Pinauubaya ko na kay Atty. Sebastian ang tungkol diyan. Menor de edad ang bata kaya hindi basta-basta makakasuhan. Pero yung uploader, sinisiguro kong makukulong siya. Hihingan ko ng update mamaya si Atty. para mabanggit ko sayo kung ano ang susunod naming hakbang dun sa kaso nung bata." sambit niya at lumapit sakin. "Love, hindi tama ang ginawa ni Mindy sa anak natin. Alam kong mahalaga pa rin sayo yung batang yun pero sana maintindihan mo na masama ang ginawa niya sa panganay natin. Sana kung ano man ang maging aksyon namin ni Atty. Sebastian, matanggap mo yun." aniya nung umupo siya sa tabi ko.








My Detrimental Lover 2: The Lost AngelWhere stories live. Discover now