Chapter 7

326 27 32
                                    

RITA'S POV






Paglabas ko nang cr ay nakita ko si Athena na pilit pinaiinom nang gatas si Apollo. Halos malunod na ang kapatid niya dahil tinanggal niya ang tsupon dun sa botelya kaya mas maraming gatas ang lumalabas sa bote. Halos hindi makaiyak yung kapatid niya dahil sa gatas na yun.










"Athena!!" sigaw ko at agad siyang pinuntahan. Mabilis kong tinapon yung bote nang gatas at agad binuhat si Apollo. "Anong ginawa mo ha?! Papatayin mo ba ang kapatid mo?!" galit kong sigaw sa kaniya.








"Pinaiinom ko lang siya nang gatas mommy." mahinang banggit niya. "Umiiyak kasi siya eh. Maliit yung butas kaya baka hindi siya makainom agad."








"Hindi mo siya pinaiinom, nilulunod mo siya!! Bakit ka nandito huh?! Sinong may sabing pumasok ka dito?!" galit na galit kong tanong sa kaniya habang inaalo si Apollo sa pag-iyak.








Sobra talaga kong natakot nung makita ko si Apollo kanina. Kung nahuli pa siguro ako nang ilang minuto baka kung ano nang nangyari sa bunso namin.







"Sorry mommy, gusto ko lang naman tumu-"









"Lumabas ka na, Athena! Labas!" galit na utos ko.









"Pero mommy,"







"Labas!!" sigaw ko dahilan para umiiyak siyang lumabas nang kwarto ni Apollo.







Agad kong inasikaso si Apollo na umiiyak pa rin hanggang ngayon. Agad kong hinanda ang pampaligo niya para mapaliguan na siya dahil basang-basa na siya nang gatas.






Nang matapos kong asikasuhin si Apollo ay agad ko na siyang pinatulog. Mukhang okay na naman siya. Hinalikan ko ang noo niya at maingat siyang ibinaba sa crib niya.







Agad akong bumaba para kausapin si Athena. Hindi ko siya dapat sinigawan nang ganun kanina. Nabigla lang din naman ako, at natakot para kay Apollo kaya nagawa ko yun.











Agad kong tinanong sa mga maids kung nakita nila si Athena dahil hindi ko siya nakita sa sala. Pero wala daw nakapansin sa kanila. Agad ko siyang ipinahanap sa kanila dito sa buong bahay.






Biglang bumundol ang kakaibang takot sa puso ko. Agad kong tinignan si Athena sa kwarto niya pero wala siya doon. Tinignan ko rin siya sa kwarto namin pero wala din siya doon.







Imposible namang sumama siya kila Gina dahil kanina pa sila nakaalis para mamili.









Napahawak na ko sa noo ko dahil hindi ko alam kung nasaan ang anak ko!







Agad kong tinawagan si Ken, pero mukhang nasa meeting siya dahil hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.









Muli akong bumaba at hinanap si Athena sa backyard pero wala talaga siya doon. Halos mabaliw na ko kakahanap sa anak ko pero hindi ko talaga siya makita. Tinignan ko ang scooter niya sa lagayan non pero wala iyon doon! Baka nakalabas ang anak ko!








Agad kong kinuha ang susi nang kotse ko at nagdrive palabas nang mansion para hanapin siya. Bawat daang madaanan ko ay tinitignan ko. Baka sakaling nandoon siya. Hindi familiar si Athena dito sa labas, baka mamaya may dumukot na sa kaniya. Baka nag-iiiyak na yun ngayon.









My Detrimental Lover 2: The Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon