Chapter 52

280 29 16
                                    

KEN'S POV





Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Para iyong binibiyak kaya halos hindi ko maimulat ang mga mata ko.


Napahawak ako sa sentido ko para hilutin iyon. Malamang na napasobra ang inom ko kagabi kaya sobrang sakit ng u-







Napamulat ako nung may maramdaman akong gumalaw sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napaupo nung makita ko si Nicolette na naka-bra lang sa tabi ko.











"Sh*t!" bulalas ko nung mahawakan ko ang ulo ko dahil sa sobrang sakit talaga no'n.













Sinilip ko sa ilalim ng kumot ang katawan ko at wala akong ibang suot bukod sa boxer brief ko.








Sh*t! F*cking Sh*t!! May nangyari ba samin?! Paano kami napunta sa kwartong to?! G*go ka Ken Chan! Gaano ba karaming alak ang ininom mo kagabi?!!




"Oh my God, Ken?!" napatingin ako kay Nicolette nung bigla din siyang umupo.





Kita ko rin sa mukha niya na nagulat siya sa itsura namin ngayon.



"Oh my God. May nangyari ba satin?" alalang tanong niya.








F*ck, Ken Chan!! Anong ginawa mo?! Anong katangahan 'tong ginawa mo?!!












"Nicolette, hindi ko rin alam kung paano ako magpapaliwanag sayo, kasi kahit ako, hindi ko alam kung anong nangyari kagabi. I'm really sorry. Hindi ko talaga alam kung paano tayo napunta sa kwarto'ng 'to. Hindi ko alam kung may nangyari ba satin." banggit ko habang nakahawak sa noo ko dahil sa pagsakit no'n.




"Okay ka lang ba?" alalang tanong niya.









Umiling ako. Bukod sa masakit ang ulo ko, hindi ko alam kung paano ko iaayos ang nangyaring 'to!!





"Gusto mo bang magpakuha ako ng gamot? Hang-over siguro yan. Marami ka naman kasing ininom kagabi eh. Ayaw mo namang magpaawat sa ka-iinom mo." banggit niya.





F*CK! Eto na ang pinaka tanga'ng bagay na ginawa mo buong buhay mo, Ken! Anong sasabihin ni Tata kapag-



Si Tata!













Agad kong kinuha ang cellphone ko pero muli akong napahawak sa ulo ko dahil sa pagkirot no'n.


Sh*t! Ang sakit talaga ng ulo ko! Bakit ba kasi ako uminom ng marami kagabi?!!




"Ken, okay ka lang ba talaga?" tanong niya. "Saglit, magpapakuha ako ng gamot mo." banggit niya at mabilis na kinuha ang mga damit niya bago pumunta sa cr.



Agad kong binuksan ang phone ko pero patay pala iyon.



Teka... ganun ba ko kalasing kagabi para magpatay ng phone? Sa pagkakatanda ko gusto kong tawagan si Tata pero yung cellphone niya ang patay.








Nahilot ko uli ang ulo ko para alalahanin kung ano ba ang mga ginawa ko kagabi?











Napatingin ako sa phone ko nung magbukas iyon. Nagtaka naman ako nung sunud-sunod ang mga messages na dumating sakin. Agad kong binasa ang mga iyon at mas nanlaki ang mata ko sa mga nabasa ko.








My Detrimental Lover 2: The Lost AngelWhere stories live. Discover now