Chapter 35

499 37 27
                                    

KEN'S POV






Pag-uwi namin sa bahay ay agad kong pinaupo yung dalawang bata sa sofa.








"Kayong dalawa, alam niyong mahal kayo ni daddy, tama?" seryosong tanong ko sa kanila.









"Yes po, daddy." nakangiting banggit ni Apollo, samantalang si Athena ay tumango lang habang nakatungo.










"Alam niyong ayaw ni daddy na napapahamak kayo, di ba?" tanong ko at tumingin kay Athena na nakatungo pa rin ngayon.








"Yes po, daddy." inosenteng sagot ni Apollo.









"Alam niyo rin na kapag nakakagawa kayo ng mali, pagagalitan kayo ni daddy. Hindi dahil sa hindi ko kayo mahal, kundi para lang itama yung mali niyo, di ba?" seryosong tanong ko habang nakatingin pa rin kay Athena na nakatungo lang.





"Opo, daddy." sagot ni Apollo.









"At alam niyong ayoko na kapag kinakausap ko kayo, hindi kayo sumasagot, di ba?" mariin at may bahid nang galit na tanong ko habang nakatingin kay Athena.










"Opo, daddy." may takot na'ng sagot ni Apollo at siniko nang mahina ang ate niya. "Ate." pasimpleng bulong niya. Na para bang sinasabi niya sa ate niya na sumagot din sa mga tanong ko.







"Sumama ka sakin sa kwarto mo, Athena." banggit ko at naglakad na papunta sa hagdan.









Hindi ko man siya nakikita ay alam kong sumunod siya sakin.








"Mommy, galit po si daddy?" dinig kong tanong ni Apollo sa mommy niya. Mukhang kasunod ko rin sila.










"Anak, dun ka muna sa kwarto mo, huh? Kakausapin lang namin ni daddy si ate. Magbihis ka muna ng pambahay. Kakatukin kita sa kwarto mo, once na matapos na naming kausapin si ate." banggit ni Tata sa kaniya. "Nagugutom ka ba? Gusto mo bang padalhan kita ng pagkain sa kwarto mo?"











"Hindi na po mommy, busog pa naman po ako." dinig kong sagot ni Apollo. "Ate, okay ka lang po?" tanong niya sa ate niya.










Hindi ko narinig ang sagot ni Athena kaya hindi ko alam kung ano ang sinagot niya kay Apollo.












Pagdating sa kwarto niya ay agad kong binuksan iyon at pumasok doon. Kinuha ko ang upuan na nakita ko at dinala iyon malapit sa kama niya bago umupo doon.












Agad din namang umupo si Athena sa kama niya katapat ko. Si Tata naman ay umupo din sa gilid ng kama nung bata.












"Tumingin ka sakin, Athena." seryosong banggit ko dahil nakatungo pa rin siya.









Tumunghay siya at tumingin sakin.










"May nangyari pa ba sayo na hindi namin nalalaman?" seryosong tanong ko.









"Wala na po, daddy." mahinang banggit niya.








"Ano ba talagang problema mo? Nitong mga nakaraang araw napapansin na rin namin ang pananahimik mo, pero hindi ko na masyadong napagtuunan pa nang pansin yun. Dahil sa tuwing tinatanong ka namin kung ayos ka lang? Ang lagi mong sagot, OKAY KA LANG." may bahid na nang inis na tanong ko. "Eto ba? Ganito ba ang pagiging okay sayo, Athena?" inis kong tanong sa kaniya.












My Detrimental Lover 2: The Lost AngelWhere stories live. Discover now