Chapter 6

351 28 9
                                    


RITA'S POV



Napatingin ako sa pinto ng kwarto nung bumukas iyon. Iniluwa no'n si Ken. Late na siya nakauwi. Nagpaalam naman siya kanina dahil may kailangan daw siyang asikasuhin sa company.




"Hi Love." mahinang banggit niya at ibinaba ang gamit niya at lumapit sakin. Ibinaba niya ang librong binabasa ko at yumakap sakin.




"O bakit?" tanong ko at hinimas ang likod niya.



"Pagod lang ako. Kailangan ko nang yakap mo." malambing niyang banggit kaya natawa naman ako nang mahina at mas niyakap pa siya.





Mukhang marami nga siyang inasikaso kanina. Ramdam ko sa yakap niya ang pagod niya.




Umalis din siya agad sa yakap na yun after nang ilang minuto at hinalikan ang ulo ko bago tumayo. Pero napakislot siya nung parang makaramdam siya nang kirot sa katawan niya.





"O, bakit?" alalang tanong ko.






"Medyo nanakit ang katawan ko." banggit niya at inikot-ikot pa ang braso niya habang papunta sa walk-in closet niya.




"Huwag ka na munang maliligo. Mamasahihen kita." banggit ko at bumaba sa kama para kunin ang ointment sa drawer. "Baka lamig lang yan."

"Masahe? Huwag na Love, baka mapagod ka pa. Itutulog ko na lang to." banggit niya at pumasok na sa cr.


"Ken, hindi ka maliligo, okay?" malakas ang boses na paalala ko.


"Yes, Love." banggit niya.



Dinig mo sa boses niya na may iniinda talaga siyang sakit.


Ilang minuto lang ay lumabas na siya sa cr. Nakapaghilamos na siya. Nakapagpalit na rin siya nang damit.



"Lika na," banggit ko at hinampas-hampas ang kama.



Umupo siya sa kama at hinalikan ang ulo ko.


"Tulog na lang tayo." banggit niya at humiga na.



"Dapa ka na." banggit ko.



"Love," banggit niya.





"Sige na." banggit ko at hinubad na ang sando niya. "Matagal-tagal na rin nung huli kitang namasahe, di ba?" nakangiti kong sabi.



Tipid siyang ngumiti at dumapa na. Naglagay ako nang konti nung massage oil sa palad ko at minasahe ang likod niya.

"Mukhang nasobrahan ka na naman sa pagta-trabaho mo." banggit ko habang minamasahe siya.


"Marami din kasing naging aberya kanina." mahina niyang banggit.



Mukhang pagod na pagod na nga siya.


"Namiss ko to, Love." sambit niya. "Ang sarap mo talaga magmasahe." mahina niyang banggit.



Dahil sa kaka-asikaso ko sa mga anak namin, halos hindi ko na rin siya naaalagaan.




"Love, sorry huh." mahinang banggit ko.



"Para saan?" takang tanong niya.






"Buong oras ko kasi inilalaan ko sa mga anak natin. Nakakalimutan na kitang asikasuhin din." banggit ko.





Umupo siya at humarap sakin.







My Detrimental Lover 2: The Lost AngelWhere stories live. Discover now