Chapter 26

596 28 19
                                    

JASPER'S POV



Maglilinis sana ako sa tree house ko nung mapansin ko doon si Miss. Nakatanaw siya sa mansion nila at mukhang malalim ang iniisip niya.


Ilang taon na nung huli ko siyang nakita dito. Nung mga bata pa kami, madalas siya dito kapag nalulungkot siya. Kapag umiiyak siya sa tuwing nababalewala siya ng daddy niya.


"Miss?" banggit ko at lumapit sa kaniya.


Tingin ko ay malungkot na naman siya. Alam kong pumupunta lang siya dito kapag gusto niyang mapag-isa.


Tumingin siya sakin at tipid na ngumiti.

Tumabi ako sa kaniya at umupo sa lapag.





"May problema po ba?" magalang na tanong ko habang nakatingin sa kaniya.



"Masaya ko na kami ang pinili ni mommy kesa sa daddy ni Mindy, pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung nakita kong pagyayakap nilang dalawa. Natatakot akong baka mas masaktan lang si daddy kung patuloy nga siyang nandito pero kapag nagkita uli silang ni tito Aldrin, mangulila uli siya sa kaniya." malungkot na sabi niya habang nakatanaw sa mansion nila. "Gusto kong kausapin si daddy tungkol kay mommy pero natatakot ako. Ayokong nakitang nasasaktan siya." mahina niyang sabi.





"Nakausap mo na po ba ang mommy mo tungkol sa nakita mo nung araw na yun?" tanong ko.



Umiling siya.



"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay mommy. Baka kung ano lang ang masabi ko sa kaniya. Baka makapagsalita pa ko nang hindi maganda." sambit niya at tumingin na ngayon sa mga kamay niyang magkahawak.




"Hindi mo naman po kayang gawin yun eh." banggit ko dahilan para tignan niya ko. "Hindi mo kayang magsalita ng masama sa mommy mo, Miss. Kilalang-kilala kita po kaya nasabi ko yun." nakangiting banggit ko. "Kung may hinanakit ka man po sa kaniya, normal naman yun eh. Kasi nasaktan ka nung makita mo po silang magkayakap ng daddy ni Mindy. Pero sana po maintindihan mo rin na sila yung tinuring na pamilya ng mommy mo for 8 years. Kaya normal lang po na mahal pa rin niya sila." paliwanag ko.




"Alam ko naman eh. Naiintindihan ko naman yun. At nakakalungkot lang isipin na yun ang totoo." malungkot niyang sabi.





"Kaya kausapin mo na po muna ang mommy mo, Miss. Alam ko pong mas makakapagpaliwanag po siya ng ayos sayo. Para rin po magkaayos na kayo uli." sambit ko. "Alam ko pong kaya kayo pinili ng mommy niyo kasi mahalaga kayo sa kaniya kahit hindi niya kayo maalala." paniniguro ko sa kaniya.







"Sana nga." aniya.






"Sigurado po ako don, Miss. Kaya kung gusto niyo pong mas gumaan ang pakiramdam niyo, kausapin niyo na po ang mommy niyo. Makipag-ayos na po kayo sa kaniya." banggit ko.







Ngumiti siya at tumayo na kaya tumayo na rin ako.



"Salamat, huh? Salamat sa advice at sa hindi pagla-lock nitong tree house mo. Masaya kong makabalik uli dito." nakangiting banggit niya habang nakatingin sa paligid nitong tree house.




"Pumunta ka lang po dito Miss anumang oras mo gusto. Bukas ang tree house na to para sayo." aniko dahilan para nakangiti siyang tumingin sakin.






"Salamat uli. Sige na, mauuna na muna ako. Kakausapin ko muna si mommy." nakangiting banggit niya at umalis na doon.






My Detrimental Lover 2: The Lost AngelWhere stories live. Discover now