Chapter 8

339 27 38
                                    


KEN'S POV








Pag-uwi ko sa bahay ay ramdam ko ang bigat nang pakiramdam ko. Parang nawalan na nang saysay ang buhay ko.









"Daddy.." mahinang banggit ni Athena nung makita niya ko.







Siya. Siya ang dahilan kung bakit umalis si Tata! Siya ang dahilan kung bakit namatay siya!









"Masaya ka na?" tanong ko sa anak ko. "Dahil sayo, wala na ang mommy niyo!" banggit ko.








"Daddy..." banggit niya at yumakap sakin pero agad ko siyang inalis sa pagkakayakap niya sakin.








"Sir," banggit nila Gina.









"Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang mommy mo! IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT HINDI NA NATIN SIYA MAKAKASAMA PA ULI!!" sigaw ko sa kaniya. "IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT SIYA NAMATAY!!"









"Daddy.." umiiyak na niyang sabi.










Nilapitan ko siya at hinawakan ang balikat niya.









"Bakit Athena?! BAKIT MO GINAWA YUN SA MOMMY MO?!!" sigaw ko sa kaniya.










"Sir," banggit ni Benjie at inilayo ako dun sa bata.







Maging si Gina ay kinuha rin si Athena.











"IKAW ANG PUMATAY SA MOMMY MO!! DAHIL SA INGGIT MO SA KAPATID MO, NAWALA ANG MOMMY MO!!" galit kong sigaw sa kaniya.








"Sir, tama na po." banggit ni Gina at niyakap yung anak ko.








"Ayokong makikita pa ang batang yan Gina, huwag na huwag mo nang ilalapit sakin ang batang yan!!" banggit ko at marahas na umalis sa pagkakahawak ni Benjie at umakyat papunta sa kwarto namin.







Napatingin ako sa kabuuan non at unti-unti na namang nanlabo ang mga mata ko dahil sa mga namumuong luha doon.






Pumunta ko sa kama at hinimas ang side na tinutulugan doon ni Tata.











"Love," banggit ko at niyakap ang unan niya.









Naamoy ko pa doon ang mabangong amoy nang buhok niya.





"Ta, ang daya mo naman eh. Akala ko ba aalis tayo sa weekend? Di ba pumayag kang magbakasyon tayo? Magbabakasyon pa tayong pamilya eh. May surprise pa ko sayo, eh." umiiyak kong banggit. "Bakit naman ganito kabilis, Ta? Hindi ako ready dito, Love. Hindi ko kaya mag-isa to." hagulgol ko at mas niyakap ang unan na yun.










Humiga ako habang nakatingin sa side na kinahihigaan niya at mas naiyak. Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang higaan niya.









"Sana isang masamang panaginip lang to. Gisingin mo naman ako sa bangungot na to. Gisingin mo ko, Ta." umiiyak kong sabi at niyakap ang unan niya habang patuloy na nag-iiyak.








-----------------------------------------



ALDRIN'S POV





My Detrimental Lover 2: The Lost AngelWhere stories live. Discover now