Chapter 60

376 27 4
                                    

NICOLETTE'S POV


"Ma'am, hindi po ba nila nahalata yung ginawa niyo? Baka po ma-trace po nila ang lason doon sa orange na pinakain niyo kay Mr. Chan." banggit ni Alice habang inaayos ang gamit ko.






"Tingin mo ba ganun ako katanga para mag-iwan ng ebidensiya? Hahaha. Kinuha ko agad yung orange na kinakain ni Ken nung bitawan niya 'yon. Saka sino ba naman ang mag-iisip na may lason yung orange na yun, di ba? Haha. Sino ang mag-iisip na may lason ang isang prutas? Haha. Malamang na i-trace nila lahat ng mga kinain niya buong araw bago nila paghinalaan ang dala kong orange kanina.. Saka nakita mismo ni Ken na binuksan ko sa harap niya ang orange na yun kaya hindi niya maiisip na may turok ng lason ang kinakain niya kanina.. Pasalamat siya na konti lang ang nilagay ko doon, kundi baka pinaglalamayan na siya." banggit ko at itinusok yung syringe na naglalaman ng lason sa orange na hawak ko.







Ang saya talagang gawin nito, hahahaha.









Napansin ko ang pag tingin niya sakin.







"Gusto mo?" tanong ko tukoy ko doon sa orange na nilagyan ko ng lason.












"H-hindi po ma'am." banggit niya at nagpatuloy na sa ginagawa niya.







Tss... Loser!







Binato ko sa basurahan yung orange pero hindi iyon na-shoot kaya siya ang kumuha no'n at maayos iyong itinapon bago bumalik sa pag-aayos ng mga gamit ko.









"Ma'am, nagawa niyo na po ang gusto niyo sa kanila. Napaghiwalay niyo na po 'yung mag-asawa, hindi niyo pa po ba sila titigilan?" maayos na tanong niya.





"Tigilan? Sila? Hahaha. Hangga't hindi ako nakukuntento sa pagpapahirap sa lalaking yun, hinding-hindi ako titigil!! Gusto kong maging miserable din ang buhay niya! Gusto kong maramdaman niya lahat ng mga hirap na dinanas ko dahil sa kaniya!" galit kong banggit. "Teka nga... Bakit ba parang nag-aalala ka sa damuhong iyon?! Mas gusto mo bang sa kaniya na lang magtrabaho, huh?!" mataray kong tanong sa kaniya.










"H-hindi po ma'am." banggit niya dahilan para mapangisi ako.







"Good. Kasi alam mo naman ang mga nangyayari sa tumatalikod sakin." sambit ko at sumandal sa swivel chair ko. "Bilisan mo diyan, sa mansion ako uuwi ngayon. Kanina pa ko hinihintay ni daddy." sambit ko at ininom ang wine sa baso ko bago tumayo at iniwan sa mesa ko ang syringe na hawak ko kanina.







Agad niyang kinuha ang mga gamit ko at sumunod na sakin sa paglalakad.




Tss... si Ken mismo ang tetestigo na hindi pwedeng manggaling ang lason sa orange na binigay ko sa kaniya, kasi siya mismo ang nakakita kung paano ko yun binuksan hahahaha.. Sa dami ng mga kinain niya ngayong araw, malamang na isa sa mga yun ang paghinalaan nilang may lason haha..









-------------------------------

KEN'S POV

"Pagbabayarin natin ang gumawa nito sayo." banggit ng isang familiar na boses sa ulunan ko.







Sinusuklay niya ang buhok ko at naghahatid iyon ng kakaibang ginhawa sa pakiramdam ko. Gusto kong imulat ang mga mata ko pero natatakot akong baka wala akong makita sa tabi ko. Na baka nananaginip lang ako... Panaginip na nandito si Tata ngayon sa tabi ko.












My Detrimental Lover 2: The Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon