Chapter 43

373 30 12
                                    

ATHENA'S POV




Hindi ko alam kung ilang minuto na kong umiiyak dahil hindi ko talaga matanggap yung narinig ko mula sa mommy ni Franz. Halos nagvi-violet na rin ang braso ko dahil ilang beses kong kinukurot iyon kanina para gisingin ako sa bangungot na to. Pero yung sakit na nararamdaman ko mula doon ay ang patunay na gising na gising ako at totoo yung balitang narinig ko.







Napatingin ako sa side table ng kama ko at napansin ang regalong pinabigay ni Franz kay mommy. Yun yung regalong tinutukoy niya na gusto niya sanang ibigay sakin ng personal pero naibigay na niya kay mommy kanina.








Tumayo ako at kinuha iyon bago umupo sa kama. Pagkakabalot pa lang nun parang pinaglaanan na niya talaga ng oras at effort yun.










Hinimas ko iyon at parang nakikita ko ang mga ngiti ni Franz habang ginagawa niya yun. Parang nakikita ko siyang nakaupo sa kwarto niya habang binabalot ang regalong to. Parang nakikita ko ang excitement sa mukha niya na maibigay sakin to.










Napatakip ako ng kamay sa bibig ko para pigilan ang paghagulgol ko habang patuloy na naglalandasan ang mga luha sa mata ko.








"Di ba sabi ko bibisitahin ka pa namin bukas? Di ba, nangako kaming pupuntahan ka uli namin?" umiiyak kong kausap dun sa regalong hawak ko. "Di ba sabi mo, pupuntahan kita kapag malungkot ako? Di ba ikaw ang magbabati samin ni Jasper kapag nag-away kami uli?" umiiyak kong tanong at niyakap iyon. "Hindi ito yung inaasahan kong ibig mong sabihin don, Franz. Hindi puntod mo ang gusto kong kausapin kapag malungkot ako. Hindi lapida mo ang gusto kong makita kapag kailangan ko ng kaibigan. Hindi ito yung naisip ko, Franz. Hindi ito yun." hagulgol ko at mas niyakap iyon.











"Miss." banggit ni Jasper dahilan para tignan ko siya.





"Kung alam ko lang, sana mas nagtagal pa tayo don. Sana hindi na tayo umalis do'n." umiiyak kong sabi habang nakatingin sa kaniya.




Mukhang alam na rin naman niya ang balita dahil kita ko pa sa mga mata niya ang pamamasa non dala marahil ng pag-iyak niya.






Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko. Pinagsalikop niya ang mga kamay niya at tinignan iyon.






"Ang sabi ni tita kanina, parang gumising lang daw siya para linisin ang pangalan mo at makapagpaalam." banggit niya at napaiwas ng tingin sakin dahil sa paggaralgal ng boses niya.





"Ang sabi niya okay na siya, di ba? Ang sabi niya ayos na siya? Anong nangyari? Bakit nagkaganito siya?" umiiyak kong tanong sa kaniya.






"Mukhang yun lang ang sinabi niya para hindi na tayo mag-alala." garalgal ang boses na banggit niya at tumingin sakin. "Sinabi niya yun para ipakita satin na ayos lang ang lahat sa kaniya." banggit niya at napakagat sa pang-ibabang labi niya bago muling tumungo. "Paggising pa lang daw kasi ni Franz kanina, matinding sakit na ng ulo ang naramdaman niya. Baka tiniis lang niya yung sakit nung kausap niya tayo."

Kita sa kaniya na pinipigilan lang niya ang mga luha niya. Alam kong sobra din siyang nasasaktan sa nangyari kay Franz pero nagpapakatatag siya.







"Sabi ni tita, mukhang hinintay ka lang niyang makausap bago siya bumigay." banggit niya at tumingin bigla sa pinto ng kwarto ko.









Hindi na niya kinaya ang emosyon niya. Alam kong umiiyak na siya uli. Pero hindi ko alam kung bakit hindi niya yun magawang ipakita yun sakin.








My Detrimental Lover 2: The Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon