Chapter 2

478 30 9
                                    


KEN'S POV




Nagising ako na wala na si Tata sa kama. Tinignan ko ang cr pero mukhang wala din siya doon dahil wala naman akong naririnig na ingay doon.







Tumayo ako at nag-ayos na nang sarili. Baka nasa baba si Tata at naghahanda nang pagkain. Mula nung maging mag-asawa kami,  madalas na si Tata na ang nagluluto para samin. Lalo na nung dumating na si Athena. Kahit paggo-grocery siya na rin, dahil gusto niyang masiguro yung kalidad nang pagkaing ihahain niya sa anak namin.









Pagbaba ko ay agad akong dumiretso sa kusina at nakita ko nga siya doon. Napangiti ako nung makita din doon ang anak namin.










"Daddy!!!" tawag niya at bumaba sa upuang kinalalagyan niya at tumakbo sakin.






Binuhat ko siya at hinalikan ang pisngi niya.








"Good morning, baby Love." nakangiting banggit ko.






"Good morning, daddy." nakangiti din niyang banggit at yumakap sakin.







Lumapit kami kay Tata.






"Good morning, Love." nakangiting banggit niya at sinalubong ang halik ko sa labi niya.







"Good morning. Ang aga mo naman magising." banggit ko.






"Hindi na kasi ako makatulog nung magising ako eh. Nung tignan ko si Athena sa kwarto niya, gising na rin siya kaya isinama ko na siya dito." nakangiting banggit niya at tinuloy na uli ang paghalo sa niluluto niyang soup.







"Tinulungan mo si mommy, baby Love?" nakangiting tanong ko sa anak namin.







"Yes daddy," bibong sagot nang anak namin. "I washed the veggies, daddy." proud na banggit niya.








"Good job, baby Love!" nakangiting banggit ko at nakipag-apir sa kaniya. "May gusto ka bang toy? Bibili tayo mamaya." masayang banggit ko.






"Talaga, daddy?" masayang banggit din nung bata.







"Ken, ano na naman yan? Ang dami-dami nang laruan ni Athena eh." banggit ni Tata.








"Love, hayaan mo na. Ngayon na lang naman uli eh." banggit ko. "Isa lang, promise!"






Gusto ko lang ding maging masaya si Athena. At bigyan siya nang reward sa pagtulong niya sa mommy niya.






"Please, mommy." pagmamakaawa din nang anak namin.






"Naku, e may magagawa pa ba ko kapag pinagtutulungan niyo na kong dalawa?" natatawa niyang sabi dahilan para halikan ko ang ulo niya.







"Thanks Love. The best ka talaga." nakangiting banggit ko at kumindat pa sa kaniya.






"Ay naku Ken Chan huh, huwag mo kong dinadaan-daan sa kagaganyan mo, haha." natatawa niyang banggit. "Maluluto na to, pakihanda na ang lamesa Love, para makakain na rin tayo." nakangiti niyang sabi.









"Okay, Love. Athena, tulungan mo si daddy mag-ayos nang mesa huh." nakangiting banggit ko sa anak namin.





"Okay, daddy!" masaya niyang sabi at nagpababa na.





My Detrimental Lover 2: The Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon